DUDA ang maraming information-technology experts sa poll automation ng Smartmatic-TIM. Kasi itinatago nito ang napaka-halagang source code — o computer program na bibilang ng boto. Nais ng IT experts irepaso ang code kung may nakabaon na daya. Ang huling sinabi lang dito ni Comelec chair Jose Melo ay “kapag nag-ulat na ang SysTest, iparerepaso namin sa mga interesado, pero kontrolado.”
At sino itong SysTest? Ito ang testing lab na sumusubok sa galing ng Dominion fote counters na binibili ng New York state. Dominion din ang isu-supply ng Smartmatic-TIM sa Comelec. Kadalasan inaabot ng 6-12 buwan ang naturang pagsubok; 2007 nagsimula ang sa New York pero hindi pa tapos. Samantala may kaso ang SysTest. Nadiskubreng hindi kuwalipikado ang tauhan nito sa maseselang tests. Sinuspindi ito ng US Federal Election Commission; ilang kumpanya na tine-testing ng SysTest ang makina ang nalugi sa kalokohan ng SysTest.
Isa pang anomalya: Kasabay ng automation bidding na ipinanalo ng Smartmatic-TIM nu’ng Abril ang Comelec bidding para sa mamahaling Automated Fingerprint Iden-tification System. Ito ang paraan para linisin ang voters list at alisin ang flying voters dahil may fingerprint record lahat ng botante. Nanalo ang Unison-NEC sa bid na mas mababa ng P13,516.58 lang kaysa ceiling na P1.6 bilyon, o imposibleng 99.999155% ng budget. Diniskuwalipika ang kalabang bidder na SAHI-TigerIT, miski P1.2 billion lang, o mas mura nang P400 milyon, ang bid.
Nang umangal ang SAHI-TigerIT, inupuan ito ng Comelec bids and award committee ng ilang linggo. Samantala, mabilis inatasan ng technical working group ang Unison-NEC na mag-trial run. Kinalaunan, binasura ng BAC ang angal ng SAHI-TigerIT, at inindorso ng TWG sa en banc ang Unison-NEC.
Samantala, sinira ng IT department lahat ng ebiden- siya ng lutong-makaw na bidding. (Marami pang hima- lang naganap, at itutuloy ang exposé sa Biyernes.)