Comelec puwede ba pagtiwalaan?
NANG ninombra ni President Arroyo si Jose Melo bilang Comelec chair nu’ng Enero 2008, kumalat ang isang nakabibistong retrato. Kitang-kitang nakaupo ang dating Supreme Court justice sa likod ni noo’y Comelec chair Ben Abalos na ipinatawag sa Senado nu’ng Set. 2007 sa usaping ZTE scam. Abogado o alalay lang ang umuupo sa likod ng inquiry resource persons, kaya tinanong si Melo kung counsel siya ni Abalos. Itinanggi niya ito, at iginiit na naroon siya bilang legal adviser ni noo’y Economic Sec. Romy Neri. Sabi naman ni Neri sa media, hindi niya kilala si Melo. Inamin tuloy ni Melo na bagamat hindi sila magkakilala ni Neri, pinapunta siya roon ni Executive Sec. Ed Ermita. Ibig sabihin ba, abogado siya ng Malacañang?
Ilang Comelec commissioners ay dating election lawyers. Mainam sana ‘yon dahil ibig sabihi’y kabisado nila ang election laws. Pero masama ‘yon kung kinakampihan nila ang mga dating kliyenteng politiko. ‘Yan mismo ang angal ni Naga City Mayor Jessie Robredo tungkol kay Commissioner Nicodemo Ferrer nu’ng eleksiyong Mayo 2007. Inungkat kasi ng kalaban ni Robredo na si Jojo Villafuerte ang matagal nang na-settle na usapin kung Filipino citizen siya o hindi. Comelec en banc ng pitong commissioners ang nagsabing Pinoy na Pinoy siya. Pero bago maghalalang lokal, binaliktad ng division ng tatlong commissioners lang, kasama si Ferrer, ang en banc ruling. Kesyo raw Tsino si Robredo kaya dapat i-disqualify. Nauna ru’n, pina-inhibit ni Robredo si Ferrer, dahil matagal itong nag-abogado para sa angkang Villafuerte, na mga kamag-anak pero katunggali sa pulitika. Hindi bumitaw si Ferrer sa kaso bagamat bistado ang conflict of interest.
Lalong masama kung ang commissioner ay dating election lawyer na nanunuhol sa Comelec. ‘Yan ang mapait na naranasan ng isang media celebrity na tumakbong congressman nu’ng 2001.
Inabutan ng coun-sel ng kalaban ang da-lawang commissioners ng isang attaché case ng pera, pero tinanggihan nila ito.
Ngayon commissioner na ang manunuhol!
- Latest
- Trending