^

PSN Opinyon

Umiiral na ba ang anarkiya sa Mindanao?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SA Agusan del Sur naman ngayon! Isang armadong grupong kriminal na aarestuhin na sana ng mga pulis ay tumakas at bumihag ng higit 100 tao, karamihan mga school children! Marami rin ang nakatakas, at pagkatapos ng ilang oras na negosasyon, pinakawalan ang lahat ng bata at ilang matatanda. Sa kasalukuyan, 57 tao pa rin ang hawak ng grupo. Sinadya ba iyang numerong iyan? Iyan din ang bilang ng mga pinatay sa Maguindanao!

Ayon sa mga ulat, ang grupo ni Ondo Perez ang nasa likod sa pagpatay ng ilang miyembro ng pamilya ni Jun Tubay, ang kaaway na angkan. Kung baga, away-angkan din ito, malamang may halong pulitika rin. Ang hiling ni Perez ay ibasura ang lahat ng kaso laban sa kanya, at arestuhin din si Tubay. Si Perez pala ay dating CAFGU. Iyan na ang pupuntiryahin ko. Magandang programa pa ba ang CAFGU at CVO? Nakita natin na nagiging priba­dong army lamang ang mga ito ng isang pulitiko o maya­man at maimpluwensiyang pamilya. Hindi naman sila napakinabangan sa takdang tungkulin nila, na labanan ang mga rebelde at insurekto. At ang masama, nagagamit pa sa krimen, kung hindi man kusang nagiging mga kriminal na rin.

Mahirap talaga kapag binigyan mo ang isang tao ng armas at otoridad, na wala namang pormal na pagsa­sanay humawak nito. Tingnan mo na lang ang mga Ampa­tuan at kung sino pang mga angkan na naghahari sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Kung wala silang mga baril, makakapaghari kaya sila? Ang lubos na kapangyarihan ay nakakasira ng tamang pag-iisip. Samahan mo pa ng sandata para makaapi sa ordinaryong tao, tapos na ang demokrasya at kalayaan. Itong grupo ni Perez ay tumpak na halimbawa niyan. Ayaw mapasailalim sa batas, kaya nanggulo na lang dahil armado naman. Ang gusto ay sila ang masusunod, kahit may mas mataas na otoridad naman. Puro ganyan na lang ang patakbuhin sa rehiyon ng Mindanao? Umi­iral na ba ang anarkiya? Nabu­labog ba ang lahat    ng may kapangyarihan dahil sa nangyayari sa mga Ampa­tuan, kaya tila nag­wawala na lahat? Paano magka­karoon ng mataga­lang ka­pa­yapaan at tunay na pro­greso sa islang ito, kung baril at sandata lang ang alam na wika, kung walang respeto sa batas ng bansa?

Huwag na tayong mag­taka kung bakit hindi pa rin talaga pwedeng ipami­gay ang Mindanao sa kung sino man!

AMPA

IYAN

JUN TUBAY

KUNG

MINDANAO

ONDO PEREZ

PEREZ

SHY

SI PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with