^

PSN Opinyon

Balota at pulbura

- Roy Señeres -

NAAALALA ko pa noong kabataan ko sa Mindanao na matahimik ang buong isla. Bihirang makakita ng long arms noon at wala namang masyadong armed groups. Sa panahon na iyon, marami pa ang naniniwala na ang Mindanao ay isang “Land of Promise ”.

Ano ang nangyari at naging broken ang “promise” ng Mindanao ? Bakit dumami ang long arms at nangiba-     baw na ang kultura ng pulbura sa Mindanao?

Kahit ano pa man ang nangyayari ngayon, ang  Min­danao ay bahagi pa rin ng Pilipinas at ang dapat ang ma­ngi­babaw sa buong bayan kasama na ang  Min­danao ay ang poder ng balota at hindi ang kultura ng pulbura.

Habang nangangamba tayo na baka magkaroon ng failure of election sa darating na election, nakita na natin ngayon sa Maguindanao na nagkaroon ng failure of    governance. Maliban pa riyan, madalas na rin nagka-roon ng dayaan sa Mindanao na para na ring failure of election.

Tayo ang kabataan noon, tayo na ang mga magu-     lang ngayon. Sinabi ni Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit ano ang haharapin ng ating mga kabataan kung pababayaan na lang natin na mangibabaw ang kultura ng pulbura hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa?

Sa totoo lang, hindi lang naman ang Mindanao ang dapat maging “Land of Promise”. Dapat ang buong Pili­pinas ang maging “Land of Promise” ngunit huwag na-man sana puro promise lang ang mangyari sa atin.

Ang karamihan ng problema sa Mindanao ay economic in nature. Hangad ng lahat ng mga taga Mindanao kasa­ma na ang mga ka­pa­tid na Muslim na magka­roon ng kaunlaran at kapa­yapaan sa buong isla. Kung magkaroon ng kaunlaran, susunod na rin ang kapa­yapaan.

Sa darating na election, dapat lumabas tayong la­hat at ibigay ang boto natin sa mga kandidato na mag­bi­bigay sa atin ng tunay na kaunlaran at kapaya­paan, at hindi ng mga pe­keng pa­ngako lamang. Ipaglaban natin ang poder ng balota upang madaig natin ang kultura ng pul­bura.

ANO

BAKIT

BIHIRANG

DAPAT

HABANG

JOSE RIZAL

LAND OF PROMISE

MINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with