^

PSN Opinyon

'Manyakis sa dilim'

- Tony Calvento -

ANONG kademonyohan ang pumasok sa isip ng isang 29 taong gulang na lalaki na isama ang isang batang paslit sa loob ng kwartong patay ang ilaw.

Ikinuwento sa amin ng isang laking Mindanao na si Edin Clanes, kung papaano nila nalaman ang umano’y panana­mantala ng kanilang kapit bahay sa kanyang anak na itatago namin sa pangalang “Denden”.

Apat na taon na ang nakakaraan ng maghiwalay si Edin at kanyang asawang si ‘Liberty’. Bumalik sa Capiz si Liberty habang si Edin naman ay nagtrabaho sa Maynila.

Tatlong taon palang ang kanilang anak na si “Denden” ay naiwan na ang bata ay kay Edin.

Pinabantayan niya sa kanyang pinsang si Violeta Dulpina si Denden. Mahirap para sa kanya na alagaan ang bata sapagkat isa siyang stay-in na gwardiya sa isang warehouse. 

“Wala na akong ibang maasahan, lahat ng kamag-anak ko nasa Mindanao si Violeta lang ang nasa Maynila kaya sa kanya ko pinagkatiwala si Denden,” paliwanag ni Edin.

Isang beses sa isang linggo kung bumisita si Edin sa kanyang anak. Nakita niyang maganda ang kalagayan nito sa pinsan kaya’t mas naging kampante siya.

Unang linggo ng Disyembre 2008, ipinatawag siya ni Violeta dahil meron daw silang mahalagang pag-uusapan.

“Nagtaka ako kung bakit biglaan nila kong ipinata­tawag. Di naman nila sinabi ang dahilan basta daw mag-uusap kami. Pumunta ako agad nun inisip ko kasing baka may masamang nangyari sa anak ko,” sabi ni Edin.

Pagdating ni Edin kinuwento sa kanya na nung ika-14 ng Disyembre habang naglalaro si Denden sa tapat ng tindahan ni Violeta ay bigla nalang itong nawala.

Mabilis hinanap ni Violeta ang bata. Pinagtanung-tanong nila si Denden sa mga kapitbahay. Kasama ni Violeta ang kanyang anak na si ‘Camela’, 18 taong gulang sa pag­hahanap.

Naisip ni Camela na baka umuwi si Denden sa kanilang bahay, malapit sa tindahan. Pumunta siya agad run para tingnan si Denden.

Patay lahat ng ilaw pagpasok niya sa bahay ayon kay Camela. Sunod niyang tiningnan ang kwarto.

 Pagbukas nito ng ilaw isang lalaki ang bumulaga sa kanya. Nakikilala niya na ito si Michael Cacho, 29 na taong gulang, kanilang kapitbahay.

“Nadatnan ko nalang si Michael na mabilis na nag­susuot ng shorts. Tapos si Denden wala ng pambaba nun... nakahubo na ang kanyang pajama,” kwento ni Camela kay Edin.

Nagulat si Camela sa nakita. Kinuha si Denden at tumak­bo sila palabas ng kwarto.

Bago pa umano makalabas ng pinto ang dalawa pinag­bantaan umano siya ni Michael na may mangyayari sa kan­yang masama kapag nagsumbong siya.

 “Huwag kang maingay! Huwag mong pagsasabi ang nakita mo!” pananakot umano ni Michael kay Violeta.

Sinabi agad ni Camela kay Violeta ang nangyari. Dumiretso sila sa pulis upang maimbestigahan ang nangyari kay Denden.

Kinuwento ni Denden na pilit siyang ipinasok ni Michael sa loob ng kanilang bahay at dinala sa kwarto.

“Pinatay niya po ang ilaw. Hinubad niya ang pajama ko pati po aking panty. Hinila niya po ako papunta sa kama,.. tapus po dinikit niya ang totoy niya sa puwet ko,” pagsasalarawan ni Denden kay Edin.

Nang gabi ding yun isinailalim sa medico legal examination sa Philippine National Police (PNP)Crime Laboratory, Caloocan si Denden.

Nasa korte na ang kasong ‘rape’ na sinampa ni Edin laban kay Michael.

Ilang ulit ng humingi ng tawad kay Edin itong si Michael subalit di niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak.

Kasalukuyan ng nasa Aklan si Denden sa pangangalaga ng nakababatang kapatid ni Edin. Nagka-‘trauma’ ang kanyang anak sa nangyari kaya’t pansamantala niya itong inuwi sa probinsya.

“Kung nahuli ng dating ang pamangkin ko at di nito agad nabuksan ang ilaw ng kwarto. Napilit niya sigurong ipasok ang ari niya sa anak ko... Paano ko siya mapa­pa­tawad?” sabi ni Edin.

Hanggang ngayon di matahimik si Edin sa sobrang galit kay Michael. Kaya naman nagsadya siya sa aming tang­gapan upang humingi ng tulong.

Itinampok namin sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang istorya ni Edin.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, nais namin ipali­wa­nag na anuman ang ‘findings’ ng medico legal sa kanyang eksaminasyon sa bata. Malinaw sa ‘repealed rape law’ na inaprobahan noong October 22, 1997 na ang ari ng isang lalake kahit ito’y dumampi lamang at makiskis sa isang ‘orifice’ o butas ng isang babae rape na ito. Ang kata­pat na parusa ay pareho na rin sa panggagahasa na mata­gumpay na naisagawa.

Ang testimonya ng bata, “dinikit niya ang totoy niya sa puwet ko,” ay isang diretsong pahayag mula sa isang li­­mang taong gulang na kadalasang binibigyan ng matim­bang na paniniwala ng isang hukom o taga usig. Anu naman ang ginagawa mo Michael sa bata ng maabutan ka ng pinsan nito sa kwarto na yun? Ang sagot diyan ay napa­kali­naw na pinagsasamantalahan mo siya. Dapat sa’yo maku­long ka dahil isa kang manyakis. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Para sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Bukas din ang aming tanggapan tuwing Sabado mula 8:30AM-12NN.

Email: [email protected]

CAMELA

DENDEN

EDIN

ISANG

KAY

NIYA

SHY

VIOLETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with