^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Samsamin, ari-arian ng mga Ampatuan

-

WALA umanong bank account ang mga Am­patuan kaya malaki ang hinala ng mga senador na ang perang ipinambili ng 28 mansions, mama­haling sasakyan, sandamukal na matataas na ka­libreng baril ay pera ng taumbayan. Walang ibang pagkukunan ng pera ang mga Ampatuan kaya naka­pagtataka kung saan sila kumuha nang maraming pera. Sa kanilang mansion ay mayroon silang kaha-de-yero. Isang indikasyon na tumatabo sila ng pera at sa kaha nila nilalagay. Ganunman nang salakayin ng mga awtoridad ang mga mansiyon at buksan ang kaha-de-yero, wala nang laman ang mga iyon. Simot na.

Taun-taon ay may nakalaang bilyong pisong budget para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Noong Martes ay inaprubahan na ng Sena­do ang P9.43 billion budget ng ARMM para sa 2010. Malaking halaga na naman ito. Dapat magastos ang halagang ito para sa kapakanan ng mamamayan ng ARMM at hindi para sa mga sakim sa kapangyarihan. Mula 2001 ay namayagpag na ang mga Ampatuan. Naging kaalyado ng administrasyon. Noong 2004 elections ay napaulat ang malawak na dayaan sa Maguindanao. Ang kalaban ni President Arroyo na si action King Fernando Poe Jr. ay zero. Naulit ang malawak na dayaan noong 2007.

Siyam na taon ding naghari sa Maguindanao ang mga Ampatuan. Masyadong makapangyarihan ang angkan kaya lahat ng posisyon, mula sa ibaba hang­gang sa itaas ay kanilang naangkin. Sa kabila naman na namuhay sa karangyaan ang mga Ampatuan, nananatiling walang pag-unlad ang Maguindanao. Maraming naghihikahos. Ang iba ay walang makain. Sira-sira ang mga kalsada at walang kuryente. Ang mga bata ay hindi makapag-aral. Ikaapat ang Maguin­danao sa pinakamahirap na probinsiya sa bansa.

May bilyong budget na naman para sa ARMM. Hindi na sana masayang ang budget na ito at maki­nabang sana ang mga mahihirap na mamamayan. Na­rarapat bantayan kung saan tutungo ang pera. Hindi na sana sa bulsa ng mga matatakaw mapunta. Magkaroon na sana ng tapang ang mamamayan ng Maguindanao para hindi na sila matapakan. Kaila­ngan palang magbuwis pa ng buhay ang 57 katao para malantad ang kabulukan ng mga namumuno sa Maguindanao.

Samsamin din naman ang mga ari-arian ng Am­patuan kapag napatunayang ang ibinili sa mga ito ay galing sa pera ng taumbayan. Tapusin na ang pamamayagpag.

AMPATUAN

AUTONOMOUS REGION

KING FERNANDO POE JR.

MAGUINDANAO

MUSLIM MINDANAO

NOONG MARTES

PARA

PRESIDENT ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with