Maling remedyo
KASO ito ng dayuhang si G. Chow. Nagpetisyon siya sa korte upang maging Pilipino (petition for naturalization). Bilang katibayan ng kanyang petisyon ipinakita niya ang mga dokumento patunay na nag-aral siya ng high school at college sa UST, mga sertipikasyon galing sa NBI, ipinakita rin niya na habang nag-aaral, kumikita siya ng P60,000 kada taon at noong nagtatrabaho na bilang ma nedyer sa isang food mart, kumikita na siya ng P720,000 kada taon.Nagsumite rin siya ng medical certificate patunay na normal ang kanyang kalusugan.
Kinontra ng Office of the Solicitor General (OSG) ang petisyon ni Chow. Ngunit hindi ito nagsumite ng sariling ebidensiya at imbes ay kinuwestiyon lang si Chow at ang kanyang mga testigo.
Noong Setyembre 4, 2003, naglabas ng desisyon ang korte. Tinatanggihan nito ang petisyon ni Chow. Ngunit nang humingi siya ng rekonsiderasyon at ituro sa korte na sapat at hindi mapapasubalian sa mga ebidensiya na napatunayan na niya ang hinihingi sa kanya tungkol sa mabuting ugali, kita at kalusugan, nabago ang desisyon ng korte. Tinanggap si Chow bilang mamamayan ng Republika ng Pilipinas noong Nobyembre 25, 2003. Dalawang taon pagkatapos ay saka ibibigay sa kanya ang sertipikasyon bilang patunay na Pilipino na siya.
Ang OSG naman ang humingi ng rekonsiderasyon sa korte sa kautusan nito noong Nobyembre 25, 2003. Ngunit tinanggihan ng korte ang mosyon ng OSG noong Pebrero 24, 2004. Sapat daw ang ebidensiyang ipinakita ni Chow upang maging mamamayan siya ng Pilipinas.
Nagsumite ng petition for certiorari ang OSG sa ilalim ng batas (Rule 65 of the Rules of Court) upang mabalik ang orihinal na desisyon ng korte. Inabuso raw kasi ng korte ang kapangyarihan nito. Tama ba ang OSG?
MALI. Upang ituring na inabuso ng korte ang kapangyarihan nito, dapat na talamak ang ginawang pag-abuso at halos kapritso na lang ang sinunod nito sa ginawang pagdedesisyon kaya lang masasabing katumbas na ito ng kawalan ng kapangyarihan sa kaso. Kailangan na halos tumakas na ang korte sa tungkulin nito o kaya ay nagmamatigas na ito na ga win ang tungkulin na inatas. Kailangan na halatang galit o kumakampi na ito sa iba.
Kung ikukumpara, hindi inabuso ng korte ang kapangyarihan nito nang ire-konsidera ang orihinal na desisyon. Walang patunay na inabuso nito ang hawak na kapangyarihan. Kung talagang may pagkakamali man sa ginawang desisyon, ito’y malamang na pagkakamali lang sa pag-aanalisa ng ebidensiya. Ang tawag dito ay “error of judgment” lamang.
Ang remedyo dapat ng OSG ay umapela at hindi magpetisyon sa kaso (Republic vs. Hao, G.R. 165332, October 2, 2009).
- Latest
- Trending