^

PSN Opinyon

Ayaw uminom ng Amlodipine, na-stroke!

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

SA mga taong may altapresyon o diabetes, isa lang po ang aking hiling: Inumin ninyo ang maintenance na gamot sa altapresyon. Sa ganitong paraan, siguradong hahaba ang inyong buhay at hindi kayo ma-o-ospital.

May pasyente ako na kahit ang presyon niya ay 180 over 110, ayaw pa rin uminom ng Amlodipine. Dahil sa tigas ng kanyang ulo, pagkaraan ng dalawang taon ay bigla na lang siya na-stroke at dumugo ang kanyang utak. Sa ganitong pagkakataon ay 50-50 ang tsansa niyang mabuhay. Kapag nagtuloy pa ang pagdurugo sa utak, maooperahan siya.

Bukod sa pagkaparalisa, pagkalumpo at pagkabaog, napakalaki pa ang magiging gastusin sa ospital. Ang gastos ay aabot mula sa P300,000 hanggang P3 million sa pribadong ospital. Gamot, ICU, laboratory tests at po­sibleng operasyon ang madadagdag sa gastusin.

‘Ayaw kong uminom ng gamot!’

May mga pasyente talagang pasaway. Maraming dahilan bakit ayaw uminom ng gamot. Tulad ng (1) mahal ang gamot, (2) wala naman akong nararamdaman, (3) kaya ko iyang dalhin dahil malakas naman ako, at (4) baka mawala ang gana ko sa sex.

Tatapatin ko po kayo na MALI ang lahat ng inyong katwiran. Kung ayaw n’yong maospital at malubog sa utang, uminom ng gamot para sa altapresyon. Mas      mura ang gamot na iinumin araw-araw kaysa sa ospital.

P6.50 lang ang solusyon

Kung uminom lang sana ng Amlodipine 5 mg o 10 mg tablet ang ating pasyente, ay hindi na siya aabot sa pagka-stroke. Napakabisa po ng Amlodipine tablet at    ito ang number 1 na nirere­seta ng mga doktor sa bu­ong mundo.

Kaya kahit ang presyon mo ay 150/100, 180/110, o kahit 220/120, kaya pa rin iyan ng Amlodipine.

May murang Amlodipine 5 mg tablet sa Generics Pharmacy na P6.50 lang ang halaga. Sa Mercury Drugstore ay may mga   bran­ded na Am­lodipine (tulad ng Amvasc) na nag­kakaha­la­ga ng P15.50 ba­wat tableta.

Kaya mag-isip-isip na po kung may altapresyon o diabetes. Aantayin pa ba na­tin ang stroke at atake sa puso bago tayo uminom ng gamot? Sayang po ang buhay natin. Habang maaga pa, ku­mun­sulta sa inyong doktor at ita­ nong kung anong maintenance na gamot ang baba­gay sa inyo! Good luck.

AANTAYIN

AMLODIPINE

AMVASC

AYAW

BUKOD

GAMOT

GENERICS PHARMACY

KAYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with