^

PSN Opinyon

Young blood sa pulitika

- Al G. Pedroche -

BUKOD sa mga matatapat at may integridad na kandidato na may kakayahan, kailangan din natin sa ngayon ang tinatawag na “young blood” na ang ideyalismo ay hindi pa nilalamon ng masamang sistema. Pero hindi lang “young” kundi dapat ding may kakayahan at katapatan sa pamumuno.

Sa Quezon City, may matutukoy tayong “young blood” na dapat mailuklok sa pamumuno. Isa na rito si Joy Belmonte-Alimurong na tumatakbo sa pagka-bise Alkalde ng lungsod at si Albert “Kuya ng Masa” Dichavez na ku­ makandidato sa pagka-konsehal ng ikatlong distrito ng QC.

 Isang batang negosyante si Dichaves na kandidato ng Pwersa ng Masang Pilipino ni ex-president Estrada. Time to change the complexion of Philippine politics at walisin na sa sistema ang mga trapo (traditional politicians) na kinain na ng garapal na sistema. Young blood means fresh ideas and policies more workable sa ilalim ng ating nagbabagong situwasyon ng lipunan.

At itong si Joy Belmonte-Alimurong, anak ni Mayor Sonny Belmonte, bagamat wala pang hinawakang political position ay napaka-aktibo sa mga community works. Tumatakbo siyang bise mayora ni Vice Mayor Herbert Bautista na tatakbo naman sa pagka-alkalde ng Quezon City under the Liberal Party.

Mabuti at dumarami ang mga propesyunal na kabataan na nagpapahayag ng pagsabak sa eleksyon sa darating na taon. Indikasyon ito na namumulat sila sa pangangaila­ngan sa reporma ng ating bansa lalu na sa larangan ng politika.

Sabi nga ni Dichaves “magulo ang politics pero dapat kaming (kabataan) makilahok at makialam. Katungkulan naming ito sa bayan.”

Sa panig naman ni Joy, aktibong-aktibo siya bilang chairperson ng QC Ladies’ Foundation. Wika ng mga nakakakilala sa kanya,   “She sincerely puts the concerns of others before her own needs, before her own comforts”.

Sa modernong pana-hon, kailangan natin ang mga batang leaders na ang pananaw ay makaba- go at akma sa kasaluku-yang sit­wasyon ng bansa. Iba ang mga problema nga­yon kaysa problema noong unang panahon kaya yung mga tinatawag na “trapo” ay dapat nang i-retiro.

DICHAVES

JOY BELMONTE-ALIMURONG

LIBERAL PARTY

MASANG PILIPINO

MAYOR SONNY BELMONTE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with