Pagbabanta man, pasok sa Cyber Boso!
MINAMADALI na ng BITAG maging ni BUHAY PartyList Representative Irwin Tieng ang pirmado na ni Pangulong Gloria Arroyo ng bagong batas na Cyber Boso Bill.
Bukod sa naaalarma ang aming grupo, may mga suspek sa likod ng krimeng pagpapakalat ng mga malalaswang larawan at video gamit ang internet at cellphone ang nananamantala.
Isa na namang biktima ang lumapit sa BITAG hinggil sa pamba-blackmail sa kaniya ng dating kasintahan.
Subalit naiiba ang reklamong ito dahil ang biktima ay hindi isang estudyante sa kolehiyo o pangkaraniwang tao lamang.
Ang lumapit sa BITAG nitong nagdaang linggo ay isang propesyunal, isang doctor o doktora.
Sa kaniyang reklamo, pawang pagbabanta ang ipi-nupukol sa kaniya ng dating kasintahan. Na oras makipaghiwalay si Doc sa lalaki, ikakalat ang kaniyang mga hubad na larawan.
Hawak ng suspek ang mga larawang kinatatakutang kumalat ni Doc dahil kuha daw ito noong sila’y nasa abroad pa.
Dahil pinangakuan siyang magpakasal at kasalukuyang buntis na siya ng mga panahong iyon, pumayag siyang magpakuha sa hiling ng kasintahan upang hindi raw ito mangulila sa kaniyang pag-uwi dito sa Pilipinas.
Nang malaman ni Doc na hindi pala binata ang kanyang kasintahan at kasalukuyang may pamilya ito sa Pinas, nagpasiya siyang makipaghiwalay at hindi na makipagkita.
Subalit dito pala magsisimula ang kaniyang bangu-ngot dahil sa mga pagbabantang pinupukol sa kaniya hinggil sa pakakalatin ang kaniyang larawan.
Hindi alam ng kolokoy na suspek, kahit pagbabanta lamang ang kan-yang ginagawa, sakop na siya ng kapapasang batas na Cyber Boso.
Ayon kay Rep. Tieng, napapaloob sa Cyber Boso Bill na kung ang isang tao ay may hawak na mga malalaswang larawan o video ng kaniyang target na biktima, asintado pa rin ito ng batas ng Cyber Boso.
Ang buong impormasyon ngayong alas-9 ng umaga sa BITAG Live sa UNTV 37 sa pakikipana-yam ng BITAG kay Rep. Irwin Tieng.
Manood at matutong lumaban ang mga biktimang katulad ni Doc na tinutukoy namin sa kolum na ito.
- Latest
- Trending