^

PSN Opinyon

Magkakaibigang tunay

K KA LANG? - Korina Sanchez -

TAPOS na ang pagpa-file ng Certificate of Candidacy. At ayon sa Comelec, ito na ang eleksyon na may pinaka-maraming nag-file para tumakbo sa pinaka mataas na posisyon sa bansa. Pero sigurado na ang karamihan diyan ay mga pampagulo lang, mga hindi naman seryoso, wala namang kakayahan o makinarya para mangampanya sa buong bansa pagdating ng panahon. Wala rin namang nagbabawal sa kaninoman para maglahad ng intensyon tumakbo. Basta pasok sa edad at mamamayan ng Pilipinas, puwedeng mag-file.

May mga naniniwala na sila ang solusyon sa mga problema ng bansa, na sila ang pag-asa ng bayan. Na iba ang plataporma nila. May nagalit pa nga nang pinagsa­ saraduhan na siya at hindi umabot sa takdang oras, pero pinagbigyan na lang ng Comelec para huminahon na lang! Pinababayaan na muna ng Comelec ang mga ito, pero darating din ang oras na sasalain nila ang mga seryoso at may kakayahan talagang tumakbo sa 2010. Pakikinggan nila ang mga petisyon ng mga matatanggal. Sigurado may mga nakatatawang apila at paliwanag kung bakit sila may karapatang tumakbo bilang presidente!

Pero merong isa diyan, umabot na sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Matatapos na dapat ang termino, pero dahil nasa dugo raw niya ang manilbi, nasa DNA raw niya ang magbigay serbisyo sa kanyang mga cabalen, minabuting nagsumite rin ng CoC sa kanyang balwarte sa Pampanga. Si President Gloria Macapagal-Arroyo ay tatakbo bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga. Kahit kontodo ang batikos at pintas mula sa halos lahat ng sektor ng lipunan, hindi niya ito pinansin at ginawan ng hakbang ang manatili sa kapangyarihan ng tatlo pang taon.

Ganun na nga siguro ang pangamba ng presidente ukol sa mga naghihintay umano sa kanyang mga demanda at paglilitis, kapag natapos na ang kanyang termino. Mga tila isasampa sa kanyang mga kaso ukol sa katiwalian kapag wala na sa puwesto. Kung nalampasan niya ang ilang mga impeachment na kaso, baka nga naman mas may pag-asa siyang litisin kapag hindi na presidente ng bansa. Pero dahil sa habang na ito, may proteksyon na naman siya. Masama na naman ang imahe ng bansa dahil dito. Imahe ng isang pamilyang ayaw bumitiw sa kapangyarihan. Ayaw masabing mga ordinaryong mamamayan lang sila. Parang mga Ampatuan ng Maguindanao, may mga Arroyo ng Pampanga. Magkakaibigang tunay.

AMPATUAN

AYAW

BANSA

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC

GANUN

PAMPANGA

PERO

SI PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with