^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ituon ng Comelec pag-educate sa voters

-

TAPOS na ang pagpa-file ng Certificate of Candidacy (CoC) ng mga kandidato. Maluwag na ang Comelec offices. Wala nang trapik. Pero hindi pa riyan natatapos ang tungkulin ng mga Comelec officials kundi nagsisimula pa lang. Hindi pa sila umaabot sa rurok. Nakaharap pa sila ngayon sa mga matitinding pagsubok. At isa rito ay ang pag-educate sa voters sa bagong sistema na gagamitin sa 2010 elections. Anim na buwan na lamang at idaraos na ang kauna-unahang automated elections sa bansa. Babay sa manu-manong bilangan na inaabot ng linggo o buwan bago malaman ang resulta.

Tiyak na maraming voter ang mangangapa sa paggamit ng bagong machine. Siyempre mas lalong mangangapa yung mga taong nasa liblib. Dito sa Metro Manila siguro ay walang gaanong problema pero yung mga voter na nasa liblib na barangay, baka magkaroon ng pagkaatraso. Baka abutin ng siyam-siyam bago matapos ang pagboto.

Sa Pulse Asia survey, lumabas na 61 percent ng mga Pilipinong botante ay kaunti ang nalalaman sa automated system. Ang iba nga ay nagsabi na baka hindi na sila bumoto dahil hindi nila alam kung paano boboto gamit ay computer. Baka raw magkamali sila sa pagpindot at masayang ang kanilang boto. Baka raw mabuti pa ang mano-mano na lang.

Sabi ng Smartmatic, ang kompanya na nanalo sa bidding ng automation, napakadali raw ng pag­gamit sa bagong sistema. Napakasimple raw nito at walang magiging problema ang voters sa araw ng election.

Ito ang sabi nila at habang hindi pa aktuwal na nasusubukan ang bagong sistema, mahirap sabihin na walang problema. Ang dapat pagtuunan ngayon ng Comelec ay ang pag-informed o pag-educate sa voters sa bagong sistema. Ngayong tapos na ang pag-file ng CoC, maibubuhos na ng Comelec ang panahon nila sa pag-educate sa voters. Paigtingin ang kampanya para lubusang maipabatid sa voters ang tamang paggamit sa bagong machine. Siyem­pre, mas dapat din naman nilang unahin ang pagtu­turo sa mga guro sapagkat ang mga ito ang naka­ban­tay sa mga presinto sa araw ng election. Kung matuturuan nang maayos ang mga guro, ma­aaring maiwasan ang kalituhan at walang magiging problema.

BAGONG

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC

DITO

MALUWAG

METRO MANILA

NAKAHARAP

SA PULSE ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with