^

PSN Opinyon

Nasaan na si David kontra 'Gloriath?'

- Al G. Pedroche -

NOONG una, buong paninindigang inihayag ni UP professor Randy David na handa niyang sagupain si Pre­sidente Gloria Arroyo kapag tumakbo ang huli sa pagkakinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Ngayong kumpirmado na’ng tatakbo si “Gloriath”, umatras naman si David. Ang sabi’y hindi niya kayang talunin ang makinarya at pondo ng Pangulo. Ibig sabihin halos “in the bag” na ang posisyon para kay Gloria.

Isa ako sa mga humahanga sa prinsipyo’t panindigan ni David noon. Pero sa tingin ko’y nagkamali siya sa pas­ya’ng umatras dahil lang sa pangambang matalo.

Hindi lang pagwawagi ang layon sa pagsabak ng tao sa eleksyon. Higit na mahalaga ay ang matapang na pagtindig sa prinsipyo’t paniniwala. Kung sadyang tinu­tutulan mo ang posibilidad na maging “prime minister” ng bansa si Gloria, harapin mo siya at pigilin ang buktot na tangka. Kung matalo ka, may dahilan: Isa ka lang kasing langgam na sumagupa sa elepante. Pero kung manalo ka, hindi ba’t napakalaking karangalan na ang isang langgam ay nagapi ang elepante? Naniniwala ako sa kas­aysayan sa Biblia nang talunin ng isang “uhuging” David ang higanteng mandirigmang Palistino na si Goliath. May basbas kasi ng Panginoong Diyos si David.

Bukod diyan – may matibay na pananampalataya si David na siyang nagbigay ng kakaibang lakas at kaka-ya­hang talunin ang isang dambuhalang nababalutan ng bakal ang katawan.

Sa pag-atras ni Prof. Randy David, kinakitaan siya ng kawalang-pananam­palataya sa Diyos at sarili. Dahil diyan, inaba niya ang sa­riling reputasyon bilang matalino at bantog na kri-tiko ng administrasyon.

Naniniwala ako na ang basbas ng Diyos ay nasa taong bukod sa pananalig ay may tapat na layuning tuldukan ang makasariling ambisyon ng sino mang politiko na maka­paghari nang matagal sa bansa.

Hindi ko alam kung ano ang ibang plano ng Diyos pero naniniwala ako’ng ito’y para pa rin sa ikabu­buti ng bansa at mga ma­ma­ma­yan.

Ngunit sa ano mang ma­gandang plano ng Diyos, mayroon siyang mga ta-ong ginagamit. Kung ayaw ng taong ito na gamitin siya, posibleng matagalan kundi man ganap na di ma­tupad ang Kanyang ma­buting balak.

DAVID

DIYOS

GLORIA ARROYO

ISA

NANINIWALA

PANGINOONG DIYOS

PERO

RANDY DAVID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with