^

PSN Opinyon

Lasapin, namnamin at seryosohin

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

TAPOS na ang filing! Pero ang kampanya sa Pebrero pa. Marso naman ang umpisa ng kalbaryong panlokal. So ano na ba ang bawal gawin? Isang karaniwang tanong ay may kinalaman sa gift giving sa Pasko. At siyempre, wala nga­yong makakatakas sa mga “request”, lalo na ang mga kandidatong gobernador, mayor at pababa. Financial assistance, reseta, bola, uniform, chess set, etc. Madidisqua­lify ka ba kung bigla kang “bumait” sa mga botante mo?

Ayon sa Supreme Court sa Penera vs. Comelec, mis-tu­lang wala nang violation na “premature campaigning”. Dati rati’y kasunod agad ng filing of certificate of candi-dacy ang campaign period. Subalit sa bagong Automation Law, inabante ng ilang buwan ang filing dahil kailangan ng karag­dagang panahon para sa paglimbag ng machine readable ballots. May pagitan tuloy ng dalawang buwan ang katapu­san ng filing at umpisa ng campaign period. Subalit mis­mong Automation Law ang nagpaliwanag na kahit pa man nakapagfile na, hindi pa rin siya matuturing na kandidato hanggang hindi pa nag-uumpisa ang campaign period. Hindi maaring akusahan ng premature campaigning ang hindi pa kandidato.

Kaya’t tuloy ang ligaya ng mga nagpapalabas ng kani-kanilang propaganda. Ayon sa Mataas na Hukuman, kara­patan ito bilang freedom of expression sa Saligang Batas. Sa madaling salita, hindi bawal ang bumait. Nga­yon, kung nakokonsiyensiya kayo at sa tingin niyo ito’y pagbaluktot ng batas, hintayin na lang ang Feb. 1 bago lumarga. Malay niyo, mapansin ng taongbayan ang inyong delikadeza at ma­kapuntos pa para sa inyong kandida-tura. At least, mapag­iwanan man kayo ng biyahe, naka­katulog naman kayo sa gabi.

Maraming nadismaya sa kinalabasan ng usaping “pre­­mature campaign ban” dahil mahirap malagpasan ang kato­tohanan na ito’y legalized na panlalamang. Kung may hinanakit, huwag ibaling sa mga miyembro ng Supreme Court dahil ipinatutupad lang nila ang nakatitik sa batas na akda ng ating magagaling na Senador at Congressmen. Nasa huli ang pagkukulang.

At tayo din ang dapat managot sa patumpik-tum­pik o “premature” na pag­luklok ng mga taong ka­katawan sa ating interes. Ang aral?

Lasapin, nam­namin at seryosohin ang pro­ seso ng pagpili ng iboboto.

AUTOMATION LAW

AYON

COMELEC

DATI

FEB

HUKUMAN

SALIGANG BATAS

SHY

SUBALIT

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with