^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lansagin ang private armies

-

PINANINIWALAANG may private army ang mga Ampatuan sa Maguindanao. Patunay ang mga nakumpiskang baril sa lugar makaraan ang Maguin­danao massacre. Pinaniniwalaan din na ang mga CAFGU volunteers ay nagtatrabaho sa mga Am­patuan. At umano’y kasama ang mga CAFGU sa mga nagmasaker sa 59 katao kung saan kabilang dito ang 13 mamamahayag noong umaga ng Nobyembre 23. Brutal ang pagpatay sapagkat bukod sa pinagbabaril, sinaksak pa at ang ilan ay inilibing habang nakaupo sa kanilang sasakyan. Sa ngayon wala nang mga arma­dong grupo ng pulitiko sa Maguindanao sa­pagkat nasa ilalim ng martial law.

Noon pa dapat ginawa ang pagbuwag sa private army sa nasabing lugar para hindi nagamit sa ma­samang paraan. Kailangan palang magbuwis ng buhay ang 59 katao para lamang matanto na walang idudulot na mabuti ang pagkakaroon ng private army. Nagagamit lamang ito para lumawig ang kapang­ya­rihan ng pulitiko. Mula sa ama, anak, apo, pinsan, ay patuloy ang kanilang paghahari sa lugar. Walang kina­tatakutan sapagkat mayroon silang hukbong sanda­tahan na ginagamit para ipanakot. Nagiging sunud-sunuran sa kanila ang mga tauhang de-armas. Parang mga laruang may bateriya na anuman ang iutos ay gagawin — kahit pa pumatay nang walang awa.

Hindi lamang dapat sa Maguindanao isagawa ang pagbuwag sa private army ng mga pulitiko. Isagawa ito sa buong bansa. Nakita na ang masamang epekto sa nangyari sa Mindanao kaya hindi dapat magpa­tumpik-tumpik ang Philippine National Police (PNP) sa pagbuwag sa private armies ng mga pulitiko.

Nagbanta noong Linggo si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Roberto Ro­sales na lalansagin niya ang grupo ng civilian volunteers na hina-hire ng mga pulitiko sa Metro Manila. Ito raw mga volunteer na ito ay nagsisilbing “private armies” ng mga pulitiko. Ayon kay Rosales may mga pulitiko sa Metro Manila na inaarmasan ang kanilang civilian volunteers. Umano’y matataas na kalibreng baril ang ibinibigay sa kanilang volunteers.

Delikado ang ganitong sitwasyon. Nasa panganib hindi lamang ang mga pulitiko kundi pati na rin ang mamamayan. Kung inaarmasan ang mga volunteers, malamang magkasunud-sunod ang patayan sa Metro Manila at maaaring mahalintulad sa Maguindanao. Ipakita ni Rosales na hindi banta-bantaan ang kan­yang sinabi. Buwagin ang private armies!

AMPATUAN

DIRECTOR ROBERTO RO

MAGUINDANAO

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRIVATE

PULITIKO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with