^

PSN Opinyon

'Sweetheart rape (?)'

- Tony Calvento -

(Unang bahagi)

HINDI siya nagsawang pagmasdan si Apple. Bilang na yata niya ang pilik mata nito dahil sa kakaiba nitong kagandahan. Naging alipin siya ng pag-ibig.

Ganito nagmahal si Melecio “Nono” Delera Jr., taga Brgy. Cu­pang, Antipolo City.

Di lubos akalain ni Nono na sa sobrang pagmamahal niya ito ang magpapahamak sa kanya. Ang akala niyang babaeng makakasama habang buhay ang aakusa sa kanya ng kasong “panggagahasa o rape.”

Ayon sa kanyang inang si Elsie Delera, 18-anyos palang ang kanyang anak ng magsimulang itong umibig sa isang magandang dalaga na si Apple (di tunay na pangalan).

Second-year high school palang si Nono ng ipakilala niya sa kanyang inang si Elsie si Apple na noo’y 15-anyos palang.

Labag man sa loob ni Elsie ang maagang pakikipagrelasyon ng anak ay pilit niyang tinanggap ang sitwasyon ng dalawa.

“Hindi mapaghiwalay ang anak ko at si Apple. Sa tuwing madadatnan ko sila sa bahay ay wala silang ginawa kundi magyakapan. Kahit ano namang pagbabawal ang gawin ko ‘di ko sila mapaglayo,” sabi ni Elsie.

Sa pagtagal ng relasyon nila Nono ay mas naging mapusok ang dalawa. Napansin nalang ni Elsie na madalas ng matulog si Apple sa bahay ng kanyang ina kung saan tumutuloy si Nono.

Ilang beses sinubukang pauwiin ni Elsie si Apple sa kanila subalit ayon sa kanya’y panay ang takas nito. Umuuwi ito ng umaga at bumabalik tuwing gabi.

Abril 2008, nagtayo ng ‘upholstery shop’ si Elsie at kanyang asawa sa Mayamot, Antipolo.

Pinakiusapan niya si Nono na magbantay sa kanilang bahay. Stay-in kasi sila Elsie sa shop at dahil pangatlo sa magkakapatid si Nono at siya nalang ang hindi pamilyado, inaatasan siyang magbantay sa kanyang tatlong nakababatang kapatid.

Isang balita ang nakarating kay Elsie, sinabi ni Mary Ann, panglima nitong anak na natutulog na umano itong si Apple sa kanilang bahay. 

Pinagalitan ni Elsie si Nono ng malaman ito subalit di niya talaga umano mapaghiwalay si Apple at kanyang anak.

Hunyo 2008, umiiyak na kinausap ni Apple si Elsie. Binugbog daw siya ng kanyang ina dahil tutol ito sa relasyon nila ni Nono.

“Dineretsa ko si Apple sinabi ko kung ako ang magulang niya pareho lang din ang gagawin ko dahil bata pa siya,” wika ni Elsie.

Pinagtanggol naman ni Apple ang sarili at sinabing “Mahal na mahal ko lang po kasi si Nono,” depensa ng dalaga.

Nung araw ding yun nakiusap si Apple kay Elsie kung pwedeng pansamantala siyang tumira sa kanilang shop.

Papasok daw umano siyang tindera sa palengke ng Antipolo. Higit na mabilis ang byahe kung manggagaling siya sa Mayamot kaysa sa Cupang. Tatlong sakay kasi kapag galing pa sa Cupang.

Pinlano ni Elsie na ibalik si Apple sa kanyang mga magulang ng gabi din yun subalit ayon sa kanya pasakay palang sila sa ‘tricycle’ ay tumakas na ito.

 Makalipas ang dalawang araw bumalik umano muli si Apple sa shop. Sa pagkakataong ito mismong si Nono na ang nakiusap sa kanyang ina kaya naman pinayagan na ni Elsie si Apple sa kundisyong tabi sila sa pagtulog.

Napansin nalang nila Nono at Elsie na sa tuwing uuwi si Apple galing trabaho ay may mga bitbit itong pasalubong na kung titingnan ay mas mahal pa ang halaga kumpara sa kanyang sahod.

“Naghinala ang anak ko kung bakit gabi-gabi nalang ay may dalang mga bagong damit, prutas at ice cream si Apple. Sagot naman nitong ibinigay lang ito ng kanyang matandang manliligaw,” salaysay ni Elsie.

Simula nun ay madalas ng nagkakatampuhan si Nono at Apple. Kwento pa niya makaraan ang dalawang linggong pagtatrabaho ni Apple ay madalas na itong umuwi ng lasing at hinahatid pa umano siya ng isang tomboy.

May mga insidente rin umanong nagwawala si Apple sa labas sa tuwing malalasing. Pinagmumura umano ang kanyang anak at pinagsasampal.

Napagkasunduan nila ni Nono na ibalik na si Apple sa kanila dahil na rin sa mga ikinikilos nito.

Kinabukasan hinatid ni Nono si Apple sa kaniyang magulang sa Cupang. Isang text message ang natanggap ni Elsie mula kay Apple.

“MARAMING salamat po tita dahil tinuring n’yo kong parang anak”.

Naging malapit si Nono sa mga magulang ni Apple. Ilang bahay lang ang layo nila sa isa’t isa’y madalas na utusan itong si Nono sa mga gawaing bahay. Tiwala na ang mga magulang ni Apple sa binata kaya’t lagi siyang pinapatawag ng mga ito.

“Natuwa ako ng malamang maayos ang pakikitungo nila sa anak ko kaya mas naging kampante ako,” kwento ni Elsie.

Makalipas ang isang linggo nagulat nalang si Elsie ng pumunta si Nilo sa shop. Sinabi nitong iniimbitahan umano siya ng mga magulang ni Apple.

“Napatigil ako sa ginagawa ko. Pinagalitan ko si Nono at sinabi kong kung mamanhikan kami ng kanyang ama’y wala pa kaming sapat ng pera para dun! Mapilit ang aking anak,” mariing sabi ni Elsie.

Kinabukasan pinuntahan nila si “Marlyn”, ina ni Apple. Pagdating sa bahay ay malamig na umano ang pagtanggap ng ama ng bata sa kanila at si Marlyn lang ang humarap.

Nagkasundo silang paghiwalayin muna ang mga bata dahil balak umano nilang pag-aralin si Apple ng kolehiyo.

Pumayag si Elsie, kinatuwa niya ang kasunduang pag nasa tamang edad na ang dalawa ay saka na sila magsasama.

Isa itong bagong simula para kila Elsie at Nono subalit kabaligtaran pala ito ng lahat.

Isang araw ng umuwi si Elsie sa Cupang upang bisitahin ang mga anak ay nilapitan nalang siya ni PO1 Helen, kanilang kapitbahay at sinabing “Palayuin mo muna si Nono, nagkaso ang magulang ni Apple sa anak mo”.

ANO ANG KASONG SINAMPA NG MGA MAGULANG NI APPLE KAY NONO? Bakit siya kakasuhan ng babaeng minahal niya at nagmahal din naman sa kanya.

ABANGAN ang karugtong ng seryeng ito sa LUNES, EKSKLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Para sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City

Email: [email protected]

ANAK

APPLE

CUPANG

ELSIE

KANYANG

NONO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with