^

PSN Opinyon

Asuntong panggulo

- Al G. Pedroche -

KUNG minsan, may mga bagong proyektong pakikina­bangan ng mamamayan ang hindi makausad dahil sa mga walang batayang asunto na ang layunin lang ay manira.

May proyekto ang National Agribusiness Corp. (Nabcor) na posibleng masilat dahil sa ganyang masamang siste. Isang kinatawan ng kompanyang “non-bidder” ang nagharap ng asunto laban sa mga opisyal ng Nabcor at dinawit pati ang mother agency nitong Department of Agriculture (DA). Tungkol ito sa bidding ng proyekto para sa pagbili ng isang state-of-the-art post-harvest facility. Ang naghain ng reklamo sa Ombudsman ay isang Allan Ragasa. Representante raw siya ng kompanyang Sunvar.

Kaladkad sa kanyang reklamo ang mga agriculture executives sa pangunguna ni Nabcor president Allan Javellana dahil daw sa paggagawad sa Integrated Refri-geration Systems and Services, Inc. (IRSSI) ng P455.7-milyon proyekto para sa pagbili ng 98 unit ng multi-function, ice-making machines na may liquid quick freeze (LQF) capability na bahagi ng programa ng gobyerno na mama­hagi ng mga post-harvest facilities sa mga magsa­saka at mangingisda upang mapalaki ang kanilang kita.

Paliwanag ng ilang taga DA, ang mga dating ice-making facility na binibili ng gobyerno ay gumagawa lang ng yelo. Sa bagong technology ng Nabcor, hindi lang guma­gawa ng yelo ang BIF equipment. Direkta nitong pini-freeze ang mga isda, manok, baboy, o maging mga prutas at mga gulay nang hindi na ginagamitan ng yelo. Nananatili pa ang kapreskuhan, kalidad at lasa ng mga produkto, anang mga eksperto.

Sumaksi naman daw sa public bidding ang tatlong iba pang kompanya gaya ng Kolonwel, JOAVI at Instrumech Philippines Inc pero biglang umatras nang walang ini­ha­harap bid. Kung puwede silang mag-supply ng naturang equipment sa mas mu­rang halaga, bakit hindi sila nag­harap ng alok o bid? At bakit pati si DA Secretary Arthur Yap ay idinadawit gayung wala namang kinalaman ang kalihim sa proyekto ng Nabcor at hindi naman siya opis­yal o direktor nito?

Sabi nga ng ilang DA officials, mukhang publi-city stunt ito. Kampo raw mismo ni Ragasa ang nag­sabi sa isang press­con na wala silang di­rek­tang ebidensya laban kay Yap. Ang sabi lang nila, bilang Secretary of Agriculture, dapat alam ni Yap ang lahat. Kay ba­baw! Kaya nag­ta­tanong ang marami: Ito ba ay isang plano para wasa­kin ang IRRS contract sa proyek­tong ito at pu­wersahin ang DA para magsagawa ng paniba­gong public bidding para sa pakina­bang ng mga non-bidders na du­malo sa ginawang bid­ding ng   Nab­cor ngunit nag-back out sa huling pagkakataon?

Ito raw si Ragasa ay isang dummy ng mga non-bidder dahil mga taong may kaugnayan sa Kolonwell ang nag­han­da ng press conference na ginawa ni Ra­gasa sa isang restawran sa Que­ zon City ilang oras lamang matapos niyang isampa ang kan­yang reklamo sa Ombudsman noong Nob. 18. Iyang ganyang mga bulok na estilo ang da­pat nang mabura sa ating gobyerno.

ALLAN JAVELLANA

ALLAN RAGASA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

INSTRUMECH PHILIPPINES INC

INTEGRATED REFRI

ISANG

NABCOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with