^

PSN Opinyon

'Galit ng mga biktima ang hindi matatakasan!'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PANGKARANIWAN na sa BITAG ang makakita ng mga eksenang bugbugan, sampalan, sabunutan at suntukan ng mga galit na galit na biktima sa mga suspek na nan-loko sa kanila.

Partikular ang ganitong eksena kapag nahuhulog na sa bitag ng mga alagad ng batas ang isang uri ng mga kawatan sa lipunan, ang mga illegal recruiter.

Halos lahat bistado na ang kanilang modus sa huhut­hutan lamang ng katakut-takot na pera ang aplikanteng nais mangibang bansa upang makapagtrabaho, papa­ngakuan pagkatapos ay drawing lamang pala ang lahat.

Walang katotohanan ang mga pangakong magan-dang trabaho at malaking suweldo na naghihintay sa iyo sa ibang bansa.

Ang nakapagtataka rito, popular na ang ganitong modus subalit marami pa rin ang nabibiktima. Ang masak­lap, palaki ng palaki ang perang nailalabas ng bawat mabi­biktima.

Pasopistikado naman ng pasopistikado ang estilo ng mga illegal recruiter. Andiyan ‘yung gagamit sila ng legal na tanggapan at kuno’y job order na ipapakita na may mga sertipiko upang magmukhang lehitimo.

Bukod dito, ipinapasok na rin ng mga illegal recruiter ang kanilang mga aplikante sa training program na lehitimo rin ang proseso’t training center.

Subalit kapag pumasok na sa eksena ang record ng Philippine Overseas and Employment Administration, dito malalaman na bogus ang mga taong katransaksiyon mo maging ang job order na kanilang pambato.

Kaya’t sa huli, media at mga alagad ng batas na ang tinatakbuhan ng mga biktima kung saan sila makakakuha ng hustisya.

Subalit ang masaklap rito, alam ng mga biktimang malabong mabalik ang mga perang naibigay na nila sa mga manlolokong illegal recruiter kaya bukod sa hustisya, resbak na ang kanilang hanap sa mga ito.

Makita lamang nilang nakakulong sa malamig na bakal ang mga kawatan at masugatan nila ang mga ito, ang ibang biktima kun­tento na.

Eto ‘yung mga pangya­yaring madalas hindi ka­yang pigilan ninuman, big­laan at bumubulusok ang emosyon ng bawat biktima. Marahil ito ang paraan nila upang mailabas ang galit na bunga ng pag-asa sa wala at panloloko sa kanila.

Kaya paalala ng BITAG, sa iba pang illegal recruiter na may balak at kasaluku­yang nambibiktima, hindi lang parusa sa batas ang magiging kapalit ng inyong panloloko.

Bukod sa pangil ng ba­tas ang nakaabang na pa­rusa sa inyo at maaaring makaligtas kayo dito, hagu­pit ng galit ng inyong mga biktima ang hindi niyo ma­tatakasan.

ANDIYAN

BIKTIMA

BUKOD

ETO

KAYA

MAKITA

PHILIPPINE OVERSEAS AND EMPLOYMENT ADMINISTRATION

SHY

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with