'Baby Doll' (update)
Nitong Nobyembre isinulat namin ang nangyari sa isang mentally challenge na batang tinago namin sa pangalang “Trina” ng Sumilang, Pasig.
Si Trina ay 15 anyos na dalagita subalit ang kanyang ‘mental age’ ay matutulad sa isang 10 taong gulang na bata.
Pautal-utal na kinuwento sa amin ni Trina ang panggagahasa sa kanya ni Lemuel Lapad Potoy nakilala niya noong Hunyo 19, 2009 habang hinihintay ang kanyang pinsang si “Christian” sa Plaza.
Isiniwalat ni Trina na ilang ulit siya umanong ginahasa ni Lemuel sa bahay ng kaibigan nitong si Cesar Maglipon Jr. at kinakasama nitong si Ma. Catherine Chavez.
Tatlong araw siya umanong nanatili sa bahay ng mag-asawa kung saan ilang ulit siyang ginahasa ni Lemuel.
“Isa-isang tinanggal ni Lemuel ang suot ko, hinalikan niya ang labi ko papunta sa aking leeg hanggang dibdib. Hinalikan niya ang tiyan ko… pati ang aking ari. Nanginginig-nginig pa ang kanyang katawan at naramdaman kong may biglang pumasok sa ari ko. Napasigaw ako’t nagmakaawa sa kanya,” pagsasalarawan ni Trina.
Hindi dito natapos ang pang-aabusong sinapit ng kaawa-awang si Trina. Matapos pagsawaan ni Lemuel ang batang katawan nito’y ipinahatid lang siya umano sa kaibigan ni Cesar na si “Nilo” sa Pasig Catholic Church ng pauwi itong si Lemuel sa Baguio.
Sa simbahan sinundo si Trina ng pinsang si Mark Monsayac. Sa halip na iuwi sa bahay ay dinala ni Mark si Trina sa kanyang tinutuluyang kwarto.
“Pinaghahalikan ako ni kuya Mark sa labi at sa aking leeg habang nakahiga sa kanyang kama,” salaysay ni Trina.
Dalawang gabing pinuslit ni Mark si Trina sa ‘boarding house’ dahil bawal ang magpanhik ng babae sa kwarto at nang malaman niyang parating na ang kanilang ‘land lady’ ay mabilis nitong binalik si Trina sa bahay nila Cesar.
Pagdating ni Trina sa bahay ay di na umano siya pinatuloy ng mga ito. Sinabihan siyang sa ibang kaibigan na lang siya manatili kaya naman tinawagan ni Trina ang kanyang kaibigang si “Beh”.
Hinatid umano ni Cesar si Trina isang kanto ang layo sa palengke kung saan nagtatrabaho si Beh.
Limang araw bago naibalik itong si Trina sa piling ng kanyang lolo’t lolang nag-aalaga sa kanya. Sa tulong ng kanyang kaibigan si Beh naabutan siya ng kanyang lolong si Efren Palad habang naglalaro sa kalsada…madungis at iba na ang suot na damit.
Ang pag-amin ni Trina ang naging dahilan para sampahan ng pamilya Palad si Lemuel ng kasong rape sa Prosecutor’s Office ng Pasig.
Nobyembre 2009, natanggap na nila Efren ang resolusyon ng kaso at malinaw na na-withdraw ito dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.
Hindi malaman ni Efren ang tamang hakbang para hindi mabalewala ang kasong ‘rape’ na kanilang sinampa. Nagsadya siya sa aming tanggapan sa paniniwalang matutulungan namin siyang makuha ang hustisya sa nangyari sa kanyang apo.
Inaalam namin ang dahilan kung bakit na-dismiss ang kaso gayung maraming elementong magpapatunay na ang ‘comprehension level’ ng batang si Trina ay hindi tugma para sa kanyang edad. Na ang pagiging mentally challenge’ ni Trina ang naging dahilan para abusuhin siya ng mga “manyakis(?)” na namantala sa kanyang kahinaan at kalagayan.
Pinarating namin sa tanggapan ni City Prosecutor Jack Ang ang ginawang resolusyon ng Investigation Prosecutor ng kasong ito na si Prosecutor Emmanuel Obungen.
Matapos ang isang masusing pag-eevaluate sa kaso, nailabas ang isang ‘Amended Resolution’.
Nakasaad ditong may isang importanteng dokumento silang hindi nakita na nagpatibay sa ebidensya ng panggagahasa sa bata. Ito ay ang ‘psychological report’ na isinagawa kay Trina na nagpapatunay na isa siyang mentally challenge.
Ang pagiging mentally challenge ni Trina ang nagpalinaw na wala itong kakayahang magdesisyon mag-isa kaya’t mabilis siyang nauto ni Lemuel at napagsamantalahan. Inabuso ni Lemuel ang kondisyon ni Trina para magawa niya ang kababuyan sa bata.
Para sa lubusang tulong kay Trina, nakipag-uganayan kami sa tanggapan ni Usec. Alicia Bala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Pinapupunta siya dun para sa ‘rehabilitation’ dahil sa dinanas niyang pananamantala ni Lemuel at ang pakiramdam din namin may ginawa rin kahalayan itong si Mark.
Sa kwento ni Trina habang nasa puder siya ni Mark, madalas siyang pinaghahalikan nito. Ang anggulong ito ay mas matatalakay ng mabuti ng mga ‘social workers’ sa DSWD.
Kinausap din namin si Atty. Alice Vidal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) para i-represent itong si Trina sa korte at isampa ang demanda laban sa mag-asawang Cesar at Catherine.
Iminungkahi din ni Atty. Vidal si Trina sa DSWD na sumailalim ito sa isang ‘psychological evaluation’ para malaman ang tamang ‘mental age’ ng bata. Para pagdating ng paglilitis makapag-testify siya sa ‘social welfare’ ng dswd at pormal na mailahad ang kakulangan nito sa pag-iisip upang makapagdesisyon gaya ng pakikipag relasyon o pakikipagtalik sa isang lalaki na higit na mas matanda sa kanya.
Asahan n’yo na patuloy namin tututukan ang kaso ni Trina na kung titingnan mo ay parang isang baby doll na dapat ingatan para hindi mabilis masira.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
Para sa inyong mga kumento reaksyon hinggil sa kasong ito. At sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 o tumawag 6387285. Maari din kayo magpunta sa aming tanggapan 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Bukas din ang aming tanggapan tuwing Sabado mula 8:30AM-12PM.
Email: [email protected]
- Latest
- Trending