^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagbayarin ang mga kriminal!

-

KARUMAL-DUMAL ang ginawang pagpatay sa 43 katao, kabilang ang mga mamamahayag, mata­pos silang pagbabarilin ay kung anu-anong kaha­yupan pa ang ginawa sa kanilang katawan. May pinugutan ng ulo, nilaslasan ng ari at ang iba ay pi­nasa­gasaan ang mukha sa sasakyan. Ang mga ka­babaihan, kabilang ang asawa ng vice mayor ay ginahasa muna bago pinatay. Karamihan sa kanila ay kaanak at supporters ni Buluan Vice Mayor Ismael Toto Mangudadatu na tatakbong governor ng Ma­guindanao. Ang mga biktima ay sakay ng tatlong van at patungo ng Comelec office sa Maguindanao da-kong 10:30 ng umaga nang harangin ng 100 arma­dong kalalakihan na pinamumunuan umano ni Mayor      Datu Unsay Ampatuan at isang Senior Insp. Dicay ng Shariff Aguak. Dinala sila sa isang masukal na lugar at doon minasaker. Ang ibang mga bangkay ay tinangkang ilibing gamit ang backhoe.

Ito ang pinaka-matinding karahasan na may kaugnayan sa nalalapit na 2010 elections. Umano’y nagalit si President Arroyo sa pangyayari at agad ipinag-utos ang pagtugis sa mga kriminal. Agad ding iniutos ang pagde-deploy ng mga sundalo sa pinang­yarihan ng krimen para mapigilan ang paglala pa ng karahasan doon. Inaasahan nang gaganti ang mga kaanak ng biktima. Patay kung patay na ang kanilang isisigaw dahil sa nangyari.

Nararapat na mahuli ang mga “mamamatay-tao”. Pagsikapan ng pamahalaan na mahuli ang mga killer para naman hindi matakot ang mga dayuhan na mag­ tungo rito. Ibuhos ang puwersa ng military at police para madaling madakip ang mga mamamatay-tao.

Umano’y malapit kay President Arroyo ang mga Ampatuan at marami ang natatakot na baka mawalan ng saysay ang kanilang pagsisikap na mahuli ang mga killer. Baka magkaroon ng hokus-pokus sa im­bestigasyon. Ipakita ni President Arroyo na walang kakampihan sa pagkakataong ito. Usigin ang mga may kagagawan. Bago man lamang umalis sa panu­nungkulan si Mrs. Arroyo ay maitapon sa madilim na kulungan ang lahat nang may kagagawan.

Hindi dapat tigilan ang paghanap sa mga salarin at nang makamit ng mga biktima ang hustisya. Mas­yadong brutal ang ginawa ng mga mamamatay-tao na wala na marahil kinikilalang Diyos. Pagbayarin sila!

AMPATUAN

BULUAN VICE MAYOR ISMAEL TOTO MANGUDADATU

DATU UNSAY AMPATUAN

MRS. ARROYO

PRESIDENT ARROYO

SENIOR INSP

SHARIFF AGUAK

SHY

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with