^

PSN Opinyon

Tita glow - 78, easy

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MULA ng iluklok sa trono ng reynang si tita glow si Secretary of National Defense Bert Gonzales ay uminit na ang bulong-bulungan sa Camp Aguinaldo.

 Por que?

July 2009, ng pumutok ang proposed transmission este mali transition government pala ni Ka Bert noon siya ay nasa National Security Adviser pa.

 Binola este hinimok pala ni Ka Bert ang mga religious group, civil society group ang AFP para magbuo ng isang ‘civilian military junta.’

 1st objective ng ‘junta’, ay ang pagbalangkas ng ating Constitution at pagpapalit ng form of government sa Philippines my Philippines to parliamentary.

Unang Prime Minister si Tita glow kaya lang lumamig na parang yelo ang plano ng ito’y mabuking.

 Sumunod naman ang ‘oplan August Moon’, prepositioning naman todits ang 78 ang objective.

Papalitan daw ang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines my Philippines at ang Chief of Philippine National Police ng mga favorite ‘mistah’ ni Ate glow.

 Naku ha!

 Totoo kaya ito?

 Bakit naman?

 Para daw ma-sure ang control sa AFP/PNP at mag-mano este mali manalo pala ang mga pet ni Tita glow sa politics.

 Ang masama sa round two ng pagtatangka ay nabuko ulit ang sumingaw na plano na parang isang mabahong utot ng mga kasangga ni tita glow.

Ito kumambyo at palit plans ngayon.....ang oplan Noel, ay christmas pero itong oplan na ito ay No - EL.

 Sabi nga, no elections or failure of elections.

 Naku ha!

 Totoo kaya ito?

 Bantay-bantay madlang people sa future attack este mali plan pala.

 Ang siste, pasok uli ang transition government of civilian - military punta este mali junta pala.

 Walang kasawa-sawang plano ng mga ambisyosong general.

 Siguro sa palagay nila pumayag kaya ang madlang people sa kamoteng plano?

 Dahil sa panibagong amoy utot na ito ay nagkaroon ng manifesto ang mga presidentiables led by Manny Villar, Noynoy Aquino at Chiz Escudero.

 Term extension ni CSAFP at hindi ni tita glow para matiyak na walang kakampihan sa dayaan ang AFP.

 2nd demotion ang mga congressional leaders, civil society groups echetera pero mukhang natuwa naman ang malakanin este mali Malacañang pala sa bagong sigaw ng bayan.

 Sangdamakmak ang sumangayon na opposition sa pagkakahirang kay CSAFP VIC IBRADO.

Para kay tita glow para naman bumango ang pangalan mo sa kuli-kuli este mali kahuli-hulihan sandali ay huwag mo nang ipilit please lang ang mga mitsa este mistah mo pala sa March.

 Sabi nga, ituloy mo ang termino ni CSAFP Ibrado, up to June 30, 2010.

 Doon naman sa Class na atat na atak ‘MARK YOUR TIME BOYS’

 Ika nga, dadating din ang panahon ninyo.

 Sabi nga, wah magmadali at huwag bastusin ang ‘TIME HONORED TRADITION OF SENIORITY!!!’

 Abangan

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AUGUST MOON

CAMP AGUINALDO

CHIEF OF PHILIPPINE NATIONAL POLICE

CHIEF OF STAFF

ESTE

KA BERT

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with