“KARITON Klasroom” ito ang sinimulan ni Efren Penaflorida nagdala sa kanya para tanghaling CNN Hero of the Year. Si Penaflorida ang tanging nakatanggap ng pinakamaraming boto sa pamamagitan ng online voting sa CNN. com.
Dahil sa kanyang “Kariton Klassroom” na iginagala niya sa lansangan, maraming kabataang na hindi marunong sumulat at bumasa ang kanyang natulungan. Sa ginawa ni Peñaflorida, mayroon na siya ngayong 10,000 miyembro na tumutulong sa kanya upang dumami pa ang makinabang sa pinasimulan niyang “Kariton Klasroom”.
Si Peñaflorida ay tumanggap ng $100,000 na gagamitin niya sa pagtulong pa sa maraming mahirap na kabataan.
Kahanga-hanga ang naisip ni Peñaflorida upang matulungan ang mga mahihirap na kabataan na matutong magbasa at sumulat. Maganda rin naman ang project na ito ng CNN. Naiiba at makasaysayan. Ang CNN ay isang respetado at tinitingalang news organization sa buong daigdig. Ang kanilang CNN Heroes of the Year award ay kahanga-hanga sapagkat para lamang sa piling-piling nilalang sa mundo.
Sana ay maging inspirasyon si Peñaflorida sa mga kabataang Pinoy. Kailangang-kailangan ang marami pang katulad niya. Napakaraming kabataan ang gustong mag-aral subalit kapos sa pera ang kanilang mga magulang. Ang paraan ni Peñaflorida sa palagay ko ang pinakamabisang paraan para matulungan ang mga kabataan na maligtas sa kamangmangan. Para sa akin si Peñaflorida ang tunay na “bayani” sa kasalukuyan.