^

PSN Opinyon

'Kariton Klasroom' ni Peñaflorida

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

“KARITON Klasroom” ito ang sinimulan ni Efren Penaflorida nagdala sa kanya para tanghaling CNN Hero of the Year. Si Penaflorida ang tanging nakatanggap ng pinakamaraming boto sa pamamagitan ng online voting sa CNN. com.

Dahil sa kanyang “Kariton Klassroom” na iginagala niya sa lansangan, maraming kabataang na hindi marunong sumulat at bumasa ang kanyang natulungan. Sa ginawa ni Peñaflorida, mayroon na siya ngayong 10,000 miyembro na tumutulong sa kanya upang dumami pa ang makinabang sa pinasimulan niyang “Kariton Klasroom”.

Si Peñaflorida ay tumanggap ng $100,000 na ga­gamitin niya sa pagtulong pa sa maraming mahirap na kabataan.

Kahanga-hanga ang naisip ni Peñaflorida upang matu­lu­ngan ang mga mahihirap na kabataan na ma­tutong magbasa at sumulat. Maganda rin naman ang project na ito ng CNN. Naiiba at makasaysayan. Ang CNN ay isang respetado at tinitingalang news organization sa buong daigdig. Ang kanilang CNN Heroes of the Year award ay kahanga-hanga sapagkat para lamang sa piling-piling nilalang sa mundo.

Sana ay maging inspirasyon si Peñaflorida sa mga kabataang Pinoy. Kailangang-kailangan ang marami pang katulad niya. Napakaraming kabataan ang gustong mag-aral subalit kapos sa pera ang kanilang mga ma­gulang. Ang paraan ni Peñaflorida sa palagay ko ang pinaka­mabisang paraan para matulungan ang mga kabataan na maligtas sa kamangmangan. Para sa akin si Peñaflorida ang tunay na “bayani” sa kasalukuyan.

vuukle comment

AFLORIDA

DAHIL

EFREN PENAFLORIDA

HERO OF THE YEAR

HEROES OF THE YEAR

KAHANGA

KARITON KLASROOM

KARITON KLASSROOM

SI PE

SI PENAFLORIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with