^

PSN Opinyon

Erap, magpa-file ng CoC sa Nob. 27

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ANG sambayanang Pilipino at ang mga dayuhan, ay nakaabang sa makasaysayang paghahain ni Presidente Erap ng Certificate of Candidacy (CoC) sa Biyernes (Nobyembre 27), araw para sa 2010 election.

Ito ang napag-usapan namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejer­cito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor­ and Employment.

Mayorya sa mamamayan, lalo ang masa, ay matagal nang hinihintay at isinusulong ang muling pagsisilbi ni Erap upang makamit na ng ating bansa ang tunay na kaunlaran, demokrasya at pag-iral ng batas. Inaasahan na namin ang gagawin na naman ng ilang grupo o indibidwal para harangin ang kandidatura ni Erap.

Pero handang-handa kami diyan, at mayroon nang nakatatag na legal panel na magpapatunay ng legalidad ng pagkandidato ni Erap. Ang naturang panel ay pangungunahan ng ilan sa legal luminaries tulad nina Justice Magdangal Elma, Dean Pacifico Agabin, Dean Amado Valdez, Atty. George Garcia, Atty Koko Pimentel at Congressman Rufus Rodriguez.

Samantala, pormal nang tinanggihan ni Jinggoy ang alok ng Nacionalista Party na maging guest candidate siya ng naturang partido. Ayon kay Jinggoy, nagpapa­salamat siya sa NP sa naturang alok, pero kaila­ngan niyang manin­digan para sa kanyang sariling partido, ang Puwersa ng Masang Pilipino (PMP), kung saan siya ang Executive Vice President, at ang itinata­guyod na standard bearer para sa 2010 election ay si Erap, habang sa senatorial ticket naman nito ay ka­bilang si Jinggoy at ang iba pang mga maga­galing at tunay na maka­masang kandidato.

Inihayag din ni Jinggoy na sa pagbabalik ng ka­nilang sesyon sa Dis­yembre 1 ay pormal ni­yang ba­bawiin ang kan­yang lagda sa Resolution 1742 tung­kol sa tinaguri­ang C-5 road controversy dahil sa bigla­ang pagla­labas ng na­sabing re­solusyon na hindi dumaan sa tamang pro­seso.

ATTY KOKO PIMENTEL

CERTIFICATE OF CANDIDACY

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

CONGRESSMAN RUFUS RODRIGUEZ

DEAN AMADO VALDEZ

DEAN PACIFICO AGABIN

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

ERAP

JINGGOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with