^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Masaker!

-

PITONG buwan pa bago ang May 11, elections at kasalukuyan pang nagpa-file ng Certificate of Candidacy (CoC) ang mga kandidato pero ngayon pa lamang, nagsisimula na ang karahasan. Nagsi­simula nang mabahiran ng dugo ang 2010 election. Marami na ang naiuulat na namamatay at ang ganito ay nakapagdudulot ng pangamba. Kung ngayon na nagsisimula pa lamang ang pagpa-file ng CoC ay marami nang napapatay, paano pa sa mismong araw ng election.

Kahapon, nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay at hindi biro ang nadagdag sapagkat pati mga miyembro ng media ay isinama sa “masaker”. Ayon sa report, dakong 9:30 ng umaga kahapon nang imasaker ang 40 katao sa Bgy. Saniag, Ampa­ tuan, Maguindanao habang patungo ang mga ito sa Comelec office sa Maguindanao para mag-file ng CoC. Umano’y nakasakay sa Hi-Lux, Hi Ace at Land Rover ang mga biktima nang harangin ng may 100 armadong kalalakihan. Dinala sa isang lugar na malapit sa kuta ng MNLF at saka doon pinagbabaril ang mga biktima. Ginahasa pa umano ang mga kaba­baihan. Masyadong malupit umano ang ginawa sa mga biktima.

Ang mga biktima ay patungo sa Comelec office sa Sharif Aguak para mag-file ng CoC ni Buluan Mayor Ismael Mangudadatu. Tatakbong gobernador si Mayor Mangudadatu. Magiging kalaban umano ni Mangudadatu si Mayor Datu Andal Ampatuan Jr. ng bayan ng Datu Unsay. Mahigpit na kalaban ni Mangu­dadatu si Ampatuan. Ayon mismo kay Mayor Mangu­dadatu, si Ampatuan ang may kagagawan ng krimen. Paulit-ulit na sinabi ni Mangudadatu sa interbyu sa TV Partrol na si Ampatuan ang respon­sable sa krimen. Masyadong brutal umano ang ginawa sa mga biktima kung saan ay pinagbabaril pa ang mga ulo ng mga biktima at ang iba ay pinugot pa. Pati raw mga miyembro ng media ay hindi pina­tawad.

Nakaamba na ngayon ang kaguluhan sa Maguin­danao sapagkat maaaring gumanti ang pamilya ng mga biktima sa mga pinaghihinalaang may ­gawa sa krimen. Dapat kumilos ang mga may kapangyarihan para ma­pigil ang pagdanak pa ng dugo sa Maguin­danao. Tugi­sin ng pulisya ang mga nagmasaker. Pro­tekta­han ang mga mamamayan o sibilyan sa lugar na ma­aaring maging magulo dahil sa hidwaan ng mga pulitiko.

AMPATUAN

AYON

BIKTIMA

BULUAN MAYOR ISMAEL MANGUDADATU

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC

DATU UNSAY

HI ACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with