Sobra-sobrang budget deficit

Parang hilong talilong si Department of Finance (DOF) Secretary Margarito Teves habang sinubukan niyang magpaliwanag kung bakit umabot na ang budget deficit ng gobyerno ni Mrs. Gloria Arroyo sa halos P300 billion. Mahirap ba yang ipaliwanag? Hindi ba ang dahilan diyan ay dahil sa corruption sa gobyerno at dahil sa pagka­waldas ni Mrs. Arroyo?

Ano na ang nangyari sa pinagmamalaki ni Mrs. Arro­yo na isa siyang mahusay na ekonomista kaya alam na alam niyang pangangalagaan ang kaban ng bayan? Madalas sabihin ng kanyang mga alipores na kaya hindi raw tayo masyadong tinatamaan ng financial crisis ay dahil matibay daw ang ating fundamentals. Anong fundamentals ba ang pinagsasabi nila? Ano pa ba ang mas fundamental sa pagkalugi ng kaban ng bayan?

Mahirap sabihin kung nagsisinungaling si Teves, ngunit ang nakakatawa pa, parang sinisi pa niya ang pagkaubos ng pondo ng gobyerno dahil malaki daw ang ginastos nila sa relief operations? Ano? Hindi ba mas malaki ang tulong ng pribadong sector sa tulong ng gobyerno? At hindi ba nalalaan na dapat ang pondo ng gobyerno para sa relief operations? Kung hindi nga nila nilaan ang pondo para sa relief, isang patunay yan na hindi sila marunong humawak ng pera, kaya naman lumaki ng husto ang kanilang deficit.

Hindi mawawala ang duda ng mga tao na may corrup­tion kahit sa pagbili ng mga relief goods. Hindi mawa­wala ng mga sabi-sabi na sa halip na maging malungkot ang mga taong corrupt dahil nadatnan tayo ng sakuna, lalo silang naging masaya dahil nagkaroon na sila ng dahilan na ilabas ang pondo ng gobyerno para gamitin sa election.

Sa kalagitnaan ng bagyo, lumabas din ang balita na kaya daw kulang ang pondo ng gobyerno para sa relief, ay dahil ginamit na ni Mrs. Arroyo ang pondo para sa kan­yang mga magastos na biyahe sa abroad. Kung na­ging kulang nga ang pondo para sa relief, bakit ginagamit na ngayon na dahilan si On­doy para ipaliwanag ang malaking budget deficit?

Masama naman ang timing ni Teves sa pagpaliwanag ng deficit, dahil halos sabay din ang balitang inilabas ng Transparency International na isa na naman ang Pilipi­nas sa mga bansa na matindi ang corruption.

Mabuti pa ang mga da- yu­hang institution, alam nila ang dahilan kung bakit na­salanta ang kaban ng bayan, na mas higit pa sa bagyong Ondoy!

Show comments