^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nakaalarmang pagmimina sa Mindoro provinces

-

MAARING matulad sa Boac, Marinduque ang Mindoro provinces kapag pinahintulutang ma­ka­pagmina ang Intex Resources. Ito ang kinata­takutan ng mga Mindorenyos. Sisimulan na raw ang pagmimina sa Oriental at Occidental Mindoro dahil naisyuhan na ng Environmental compliance cer-tificate (ECC) ang Intex. Ang mga bayan sa Orien-tal Mindoro na dadaanan ng mina ay ang Socorro, Victoria at tatagos hanggang sa Sablayan at San Jose, Occ. Mindoro. Kapag sinimulan ang pagmi­mina maraming katutubong Mangyan na naninira­han sa mga nabanggit na lugar ang mawa­walan       ng tirahan at pinagkukunan ng ikinabu­buhay sa araw-araw. Masisira rin ang tirahan ng mga tama­raw. Sa kasalukuyan, endangered species na ang ta­ma­raw. Pakonti na nang pakonti ang kani­ lang bilang. Sa Mindoro provinces lamang makikita ang tama­raw. Kapag sinimulan ang pagmimina, tiyak na mara­ming mapipinsala. Maaaring makapag­hatid    ng kabuhayan ang miminahing mineral sa Min-     doro pero marami rin naman ang pipinsalain at pa­pa­tayin. Kailangan bang may mapinsala para la­mang umunlad?

Tumututol ang mga Mindorenyo sa pagmimina ng Intex. Noon pa ay marami na ang nagpapahayag ng pagtutol. Huwag hayaang pasukin ng dambu­halang mining company ang lupang Mindoro. Iligtas sa pagkasira ang Mindoro.

Nalalaman ng mga taga-Mindoro ang nangyari sa kalapit probinsiyang Marinduque kung saan ay pininsala ng Marcopper Company, isang malaking kompanyang nagmimina. Sinira ng Marcopper ang Boac River. Ang tailings mula sa minahan ay sa Boac River itinapon at naging dahilan para hindi na umagos. Namatay na ang Boac River.

Nagkakaisa ang mga Mindorenyo para pigilan ang Intex sa pagmimina. Malaki ang responsibili-dad ng DENR sa gagawing hakbang ng Intex kaya dapat na maging alerto ang mga Mindorenyo. Tutulan ang mga magmimina. Hindi kailangan ang kompanyang sisira sa likas na yaman at sa mga buhay ng katutubo at mga hayop.

BOAC RIVER

INTEX

INTEX RESOURCES

KAPAG

MARCOPPER COMPANY

MINDORENYO

MINDORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with