^

PSN Opinyon

Jueteng sa Southern Police District

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KAYA pala ayaw bumitaw ang grupo ng mga Singson-Bata-ngas bloc sa jueteng sa Southern Police District (SPD) eh aabot pala sa P1 milyon weekly ang payola na ini-offer nila kay DILG Sec. Ronaldo Puno. Ang nagpaabot ng naturang offer sa kam­po ni Puno ay si alyas Tanya Mon­tenegro. Sino ba naman ang tatanggi sa laking pera na ‘yan? Subalit, hanggang sa ngayon, hindi makapag-full blast ang Singson-Batangas bloc sa jueteng operation nila dahil hinihintay nila ang pagbalik ni dating Ilocos Sur Gov. at deputy security adviser Chavit Singson mula US. Si Singson ay nanood ng laban ni boxing champ Manny Pac­ quiao. Kaya malalaman natin sa susunod na mga araw kung tuloy-tuloy ang buwenas ni Singson. Nadismis ang kaso na sinam­ pa ng kanyang asawa, tapos tiyak nanalo siya sa pustahan sa laban nina Pacquiao at Cotto at kung sa kanya pa mapupunta ang jueteng sa SPD, buwenas ang tawag diyan. Weather-weather lang!!

Kung P1 milyon ang offer ng Singson-Batangas bloc kay Puno, ang hinihingi naman umano ng kaibigan kong si Sr. Supt. Elmer Jamias sa bangka ay P2 milyon. Muk­ hang nag-iipon na rin ng panggastos si Mayor Aldrin San Pedro para sa May elections ah? At ang weekly payola naman ng Singson-Batangas bloc sa SPD ay P500,000 weekly. Hmmm! Kung idadagdag ‘yan sa P4.2 milyon na galing sa bulsa ni Col. Quimio tapos ang P600,000 na para sa media at  P370,000 na ginastos bilang piyansa sa 33 katao na nahuli sa kanila ng NCRPO sa Taguig City, aba abot-langit na ang nasaid ke Col. Quimio. Hindi pa kasali diyan ang P2 milyon na itinakbo ni alyas Leo, na kumpare ng alyas Bong, ang kabo nila sa Makati City at Pasay City. Kaya kahit walang basbas ke NCRPO chief Dir. Boysie Rosales, eh nagpilit na bomola ang Singson-Batangas bloc sa Makati City, Muntinlupa City, Pasay City at Taguig City noong Huwebes. Para makabawi ng ginastos? Pwede, di ba mga suki?

 Bakit kaya pinag-awayan ng mga gambling lords ang jueteng sa SPD eh aabot lang halos sa P2.3 milyon kada araw ang kubransa nito? Kaya pala malakas ang loob ni Montenegro, na bata ni Boy Macario, na mag-bid ng P1 milyon weekly ke Puno. Ahhh! Masalimuot talaga itong jueteng sa SPD di ba Col. de Joya at alyas Brian, ang under­secretary    ni Puno sa jueteng affairs? Hindi ko lulubayan ang sitwasyon sa SPD dahil awayan ito ng mga taong malapit ke GMA.

Nabanggit na rin lang si GMA, sa tingin ko mahihirapan siyang pasunurin ang mga kabo, bet collectors at mga empleado ng jueteng sa SPD na iboto ang mga manok niyang sina Gilbert Teodoro at Edu Manzano. Sa isang convention sa PICC sa Pasay City, hinimok ni GMA ang lahat ng opisyales ng Lakas-Kampi na isulong ang Teodoro-Manzano tandem para ituloy ang mga programa niya sa gobyerno. Subalit sa sitwasyon sa ngayon na gutom ang mga jueteng workers sa SPD, aba nanaisin na lang nilang si Erap ang iboto para tuloy-tuloy ang grasya na dumarating sa hapag kainan nila. Kaya’t kahit matawag mang strategist si Puno, paano siya susundin ng mga taong kumakalam ang sikmura? ‘Wag kukurap! Abangan!

CITY

JUETENG

KAYA

MAKATI CITY

PASAY CITY

PUNO

SINGSON-BATANGAS

SPD

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with