^

PSN Opinyon

Napakalaking pagkakamali

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito nina Raffy at Manny. Kinuha ang dalawa upang magtrabaho sa TMS, isang korporasyon na taga-supply ng tauhan sa isang kilalang five-star hotel, ang HHM. Magta­ trabaho sila bilang tagasilbi ng pagkain at inumin sa casino ng hotel. Kada katapusan ng buwan, ipinaaalam ng hotel kina Raffy at Manny pati sa iba pang empleyado kung ano ang magiging iskedyul nila sa susunod na buwan. Nakapaskil iyon sa bulletin board/pisara ng hotel para sa kaalaman at pagsunod ng lahat.

Noong Nobyembre 28, 1997, nang pumunta si Raffy sa ma­ned­ yer ng Food & Beverage Service upang magpaalam na aabsent sa trabaho o kukuha ng sick leave, nadiskubre niya na inalis ang pangalan niya sa iskedyul para sa Disyembre. Naalarma si Raffy at nagtanong sa manedyer. Ang sabi nito ay desisyon daw iyon ng management. Nakipag-usap si Raffy sa General Manager na nangakong tatawagan niya si Raffy matapos maipaglaban ang pananatili niya sa trabaho. Napako lang ang pangako ng GM. Kahit anong pilit ni Raffy ay hindi na niya ito muling nakausap.

Halos pareho rin ang nangyaring pagtatanggal kay Manny. Wala man lang kahit anong sulat o imbestigasyon na nangyari. Basta nagulat na lang siya na wala na ang pangalan niya sa iskedyul ng hotel para sa buwan ng Disyembre.

Noong Enero 8, 1998, nagsampa ng kaso ng illegal dismissal sina Raffy at Manny sa NLRC laban sa HHM. Itinanggi naman ng hotel na empleyado nito sina Raffy at Manny. Ang dalawa raw ay empleyado ng TMS.

Noong Mayo 27, 1999, nagdesisyon ang labor arbiter pabor kina Raffy at Manny. Illegal daw ang pagkakatanggal sa dalawa sa trabaho at empleyado sila ng hotel. Nararapat lang daw na ibalik sila sa trabaho at bayaran ng backwages, service charge at gastos sa abogado.

Noong Hunyo 22, 1999, umapela ang HHM sa NLRC. Ngu­nit imbes na bayaran nito ang kailangang appeal bond, nag­sumite lang ito ng mosyon noong Hunyo 28, 1999 upang maba­wasan ang kailangan na piyansa. Nahihirapan daw ang hotel sa epekto ng tinatawag na “financial recession”. Kinuwestiyon din nito ang laki ng halagang pinababayaran bilang monetary award na siyang basehan ng piyansa.

Noong Setyembre 30, 1999, ibinasura ng NLRC ang apela ng HHM dahil hindi nito nabayaran ang appeal bond sa loob ng panahong palugit sa apela. Argumento naman ng HHM, dapat daw ay naresolba muna ng NLRC ang mosyon na isinumite nito upang mabawasan ang piyansa bago nito binasura ang apela ng hotel. Tama ba ang HHM?

MALI. Ayon sa batas (NLRC Revised Rules of Procedure, Rule VI, Sec. 6), walang tatanggapin na mosyon upang mabawasan ang appeal bond maliban kung may sapat na dahilan at kung kahit paano ay nagbayad ng piyansa ang umapela sa halagang tanggap ng NLRC batay sa dapat bayarang monetary award. Importante na magbayad ng piyansa. Hindi hihinto ang paglakad ng araw ng apela porke nagsumite ng mosyon upang bawasan ang appeal bond. Ang hinihingi sa kompanya na piyansa ay maaaring pera o garan­tiya ng piyansador (surety company). Sa ganitong paraan, ano man ang mangyari sa kaso ay makakaasa ang empleyado na matatanggap niya ang perang nakalaan sa kanya kung ma­ibasura man ang apela ng kanyang amo. Isa rin itong paraan upang pigilin ang amo na umapela sa desisyon para lang pa­tagalin ang kaso o para takasan ang obligasyones niya sa em­pleyado. Hindi maaaring magkaroon ng liberal na inter­ pretasyon sa kaso lalo kung mababalewala lang ang mismong layunin ng batas (The Heritage Hotel Manila vs. NLRC et.    Al., G.R. 180478-79, September 3, 2009).  

BEVERAGE SERVICE

DISYEMBRE

GENERAL MANAGER

HERITAGE HOTEL MANILA

HOTEL

LANG

NIYA

RAFFY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with