^

PSN Opinyon

EDITORIAL - Ika-139th sa pagiging corrupt

-

NOONG nakaraang taon, ika-141 ang Pilipinas sa pagiging corrupt, ngayon medyo na-improved sapagkat bumaba sa ika-139th. Ang ranking ay gina­wa ng corruption watchdog Transparency International (TI) sa kanilang 2009 Corruption Perceptions Index (CPI). Ayon sa TI, may kabuuang 180 bansa ang sinuri ng mga business people at mga analyst kaug­nay sa pamamalakad. Kahati ng Pili­pinas sa puwes­to ng pagiging corrupt ang Bang­ladesh, Belarus at Pa­kistan. Magkakahalintulad sila ng balat sa pagiging corrupt. Ang mga pinaka-corrupt ay ang Somalia, Afgha­nistan, Myanmar, Sudan at Iraq. Noong naka­raang taon, Somalia pa rin ang nananatiling pinaka-corrupt na bansa. Nangunguna naman ang mga ban­sang walang nangyayaring corruption: New Zealand, Denmark, Singapore, Sweden at Switzerland.

Taun-taon, lagi nang nagkakaroon ng ranking ang TI sa lahat ng mga bansa na may kaugnayan sa corruption at masakit sabihin na malayong makapu­westo ang Pilipinas sa top ten ng mga bansang wa­lang corruption. Hindi mangyayari ang ganoon sa­pag­kat nakakapit na ang corruption sa halos lahat ng mga tanggapan ng gobyerno. Maihahalintulad na sa cancer ang corruption sa bansa na nakakapit na sa buto at mahirap nang kayurin. Kahit na nagta­tag pa ang kasalukuyang pamahalaan ng mga ahen­siya o task force na mag-iimbestiga sa mga corrupt na opisyal at empleado sa mga tanggapan, wala ring epekto. Balewala lang ang pagbabanta sapagkat lalo pang lumalala ang corruption. Wala nang bisa sa­pag­kat maski ang mismong tanggapan na itinatag para lumaban sa katiwalian ay pinamumugaran na rin umabo ng anay.

Ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) ay tinatag sa panahong masyado nang iritado ang foreign investors sapagkat grabe na ang red tape sa mga tanggapan. Ayon sa mga dayuhan, kapag hindi nasupil ang corruption, mapipilitan silang ali­sin ang kanilang negosyo at ililipat sa ibang bansa. Nabagabag si President Arroyo kaya itinatag ang PAGC at pinairal ang lifestyle check.

Pero kakatwang nasa kontrobersiya ang PAGC sapagkat inaakusahan ang namumuno ng corruption at nepotism. Ipinag-utos naman ni Mrs. Arroyo ang imbestigasyon sa napabalitang kontrobersiya.

Paano nga ba masusupil ang corruption kung mis­­mong ang nag-iimbestigang tanggapan ay sang­kot? Pu­wed­e bang mag-alis ng puwing ang meron ding puwing?

ANG PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

AYON

CORRUPTION

CORRUPTION PERCEPTIONS INDEX

MRS. ARROYO

NEW ZEALAND

PILIPINAS

PRESIDENT ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with