^

PSN Opinyon

Jueteng isyu: Bernabe yumuko kay Puno

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAGSARA ang jueteng sa Parañaque City noong naka­raang Lunes. Yumuko si Mayor Florencio Bernabe sa kagus­tuhan ni Interior Sec. Ronaldo Puno na isara ang jueteng sa sakop ng Southern Police District (SPD). Inu­mangan kasi ng mga tauhan ni NCRPO chief Dir. Roberto “Boysie” Rosales ang bolahan ng jueteng sa siyudad ni Bernabe kaya’t mina-buti na lang nilang magsara keysa mahulihan at gumastos pa. Kaya kung pogi sa tingin ng mga trabahador ng jueteng si Bernabe sa gerilya operations niya, aba sa ngayon naba­wasan na ang asim niya. At habang sarado ang jueteng sa Parañaque, ibig sabihin niyan wala munang papasok sa war chest ni Bernabe para sa darating na May elections.

Kung sabagay, puno naman ng video karera ni Lt. Caise ang Parañaque. Direkta raw si Caise ke Sr. Supt. Alfredo Val­dez, hepe ng pulisya. Hitik sa illegal ang Parañaque sa ilalim ni Bernabe. Walisin na!

Ito palang bagong bukas na bangka ng jueteng sa SPD area ay sosyohan ng mga Singson at Batangas block sa ilalim ni ret. Col. Quimio. Ang impluwensiya sa Palasyo, DILG, PNP at iba pang operating units ng gobyerno ay sa mga Singson nakatoka samantalang ang datung ay sa Batangas block. Subalit 50-50 ang laban nila. Ang Batangas block pala ay naglabas na ng P4.2 milyon na gastusin para mapabuksan lang ang jueteng nila. Alam kaya ito nina Col. de Joya at alyas Brian, ang undersecretary of jueteng affairs ni Puno? Hindi lang ‘yan. Aabot din pala sa P600,000 ang payola nila sa media. Ang P400,000 ay iniabot bago magbukas sila at ang P200,000 ay noong Sabado bago sila magsara. Ano ba ‘yan?

Kung sabagay, lumaki ang gastos ng Batangas block bu-nga sa naglabas pa sila ng P370,000 bilang piyansa sa mga naaresto ng mga tauhan ni Rosales sa isinagawang raid sa mga jueteng den nila sa Taguig City noong Biyernes. At hina­habol din nila si alyas Leo na tinakbuhan sila ng P2 milyon.

Kung nakasimangot ngayon si Quimio, ‘yan ay dahil sa mal­aking halaga na ang binitiwan nila at wala pang kasigu­ruhan kung mabubuksang muli ang negosyo dahil hindi nila naayos ang lahat ng dapat kausapin dito. Makakabawi pa kaya ang Batangas block sa ginastos nila?

Wala pang linaw kung magbubukas talaga ang jueteng sa SPD dahil ang ugong sa kalye sa ngayon nagtatawagan na ang mga padrino ng magkabilang kampo para sila ang basbasan ni Puno. Subalit ang masakit na katotohanan ay ang mga ordinaryong people ang naapektuhan dahil ang inaasahan nilang pagkakitaan ay ipinagkait pa sa kanila ni Puno. Kaya’t hindi masisi ang sambayanan kung gumanti sila kay Puno sa darating na May elections at iboto si Erap at kaalyado niya imbes na ang tandem nina Gilbert Teodoro at actor Edu Manzano. Si Puno ang political strategist nina Teodoro at Manzano at balak ng mga dismayadong trabahador ng jueteng sa SPD na talikuran sila sa darating na elections.

ALFREDO VAL

ANG BATANGAS

BATANGAS

BERNABE

CAISE

JUETENG

NILA

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with