ISYU na naman ang pag-awit ng Lupang Hinirang. Natatan-daan ninyo na binago ni Martin Nievera ang bilis at estilo ng pagkanta ng Pambansang Awit sa laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton. Kinasuhan pa yata si Martin ng National Historical Institute dahil doon. Martsa ang hangarin daw ni Julian Felipe, ang sumulat ng awit, kaya hindi dapat baguhin ang bilis, lalo na ang estilo nag pag-awit. Pero sa katatapos lang na laban ni Pacquiao at Miguel Cotto, binago na naman ng La Divas, grupo ng tatlong babae, ang estilo. Madamdamin ang pagkanta kaya humaba ito sa takdang haba. Umalma na naman ang NHI, dahil wala na dapat dahilan para baguhin ang estilo dahil naging isyu na nga sa nakaraang pag-awit. Hindi na raw puwedeng sabihin na hindi nila alam ang patakaran ng NHI.
Maraming kanta na nang binago ang bilis at estilo ay lalong naging popular. Halimbawa ay ang “Bizarre Love Triangle” kilalang kanta ni Mariah Carey na binago ni David Cook. Ang “Leyla” ni Eric Clapton. Hindi ako magtataka kung may kakanta ng “Nobody” na ibang estilo at bilis! Sa Ame rika, ang kanilang Pambansang Awit ay kinakanta ng iba’t ibang bersiyon ng kung sinu-sinong mang-aawit. Kumbaga, binibigyan nila ng konting style nila, dala na rin ng damdamin sa pag-aawit nito.
Ang awit ay nagbabago rin habang dumadaan ang panahon. Dati may mga awit na hindi talaga puwedeng pakinggan o awititn. Mga awit protesta. Ngayon, puwede mo nang kantahin kahit saan. Dati may mga klaseng tugtugin na hindi mo maaawit sa loob ng simbahan. Ngayon puwede na. Ganun na rin ang Lupang Hinirang. Martsa ang takbo nito noong araw, dahil sa panahon kung kelan isinulat. Ngayon, binibig-yan lang ng konting anyo para bumagay na rin sa panahon. Baka puwedeng pabayaan na lang, dahil hindi naman binabastos. Maraming dapat kasuhan diyan, lalo ang mga pumunta sa Las Vegas para manood lang ng boksing. Iyon, kahit anong subok nilang magbago, ganun pa rin ang mga iyan!