^

PSN Opinyon

Iwas sakit: Uminom ng 8-10 basong tubig

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

ALAM mo ba na ang katawan natin ay puno ng tubig? Ang utak natin ay may 74% tubig. Ang masel natin ay 75% tubig. Kahit ang matigas nating buto ay may 22% na tubig.

Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit napaka­raming Pinoy ang ayaw uminom ng tubig? Mayroon   diyan, 3 baso lang kung uminom sa isang araw. Kulang po ito. Heto ang mga sakit na matutulungan ng pag-inom ng tubig:

1. Para sa sakit sa bato – Ang sanhi ng bato sa bato (kidney stones) ay ang kakulangan sa tubig. Dahil dito, nagiging madilaw ang ihi at namumuo tuloy ang bato. Mag-ingat at baka tumuloy sa kidney failure at dialysis.

2. Para sa impeksyon sa ihi – Kapag kulang ka sa tubig, mas kakapitan ka ng impeksyon sa ihi o balisawsaw.

3. Para sa lagnat – Nakapagpapababa ng lagnat ang pag-inom ng tubig. Ito’y dahil maiihi mo ang “init” sa iyong katawan. Painumin ng tubig at juice ang mga may lagnat.

4. Para sa ubo, sipon at trangkaso – Ang sapat na tubig ay nagpapalabnaw ng sipon at plema. Mas bibilis din ang paggaling sa trangkaso.

5. Para sa pangangasim ng tiyan – Malaki ang tulong ng tubig para mahugasan ang acido sa ating sikmura. Sa pag-inom ng tubig, mababawasan ang ulcer, impatso at sakit ng tiyan. Mas gusto ng tiyan ang maligamgam na tubig.

6. Para lumakas – Kapag kulang ka sa tubig, magiging matamlay ka at manghihina. Lalo na kapag mainit ang pa­na­hon, uminom ng maraming tubig.

7. Para sa sakit ng ulo – Nakatutulong ang tubig sa pagtanggal ng migraine o sakit ng ulo.

8. Para pumayat – Bago kumain, uminom ka muna ng 1-2 basong tubig. Mabu­busog ka nito at hindi ka ma­pa­pakain ng marami. Hindi po nakatataba ang tubig.

9. Para gumanda – Ito ang mahalaga sa lahat. Ang beau­ty secret ng mga dermatologists ay tubig lang. Kapag kulang ka sa tubig, lulubog ang iyong mata at kukulubot ang balat (wrinkles). Uminom ng tubig para kuminis at ku­mintab ang iyong kutis. Umi­was ka rin sa araw para hin­di kumulubot.

Anong klase ng tubig ang dapat inumin? Alam kong may kamahalan, pero umi­nom na lang ng bottled water, purified water o pinaku­luang tubig. Hindi ligtas ang tubig sa gripo. Mag-ingat at baka magkasakit tayo.

Tan­daan:

Para makaiwas sa sakit, uminom ng tubig.

ALAM

ANONG

DAHIL

HETO

KAPAG

PARA

SHY

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with