^

PSN Opinyon

Hinagpis ni Subas Herrero

- Al G. Pedroche -

DATING bantog na komedyante at character actor si Subas Herrero. Pero dahil na-stroke, lay-low ang kanyang career pero aktibo sa pamumuno sa Association of Stroke Survivors. Ang kanyang grupo ay umaapela sa Department of Health na siyasatin ang kawalan ng generic version ng isang pangunahing gamot laban sa sakit sa puso na hindi mahagilap sa mga malalaking drug stores tulad ng Mercury.

Kahit may naimpok si Subas nung kanyang kasikatan, sa kalagayan niya ngayon ay humahanap pa rin siya, tulad ng iba ng mga alternatibong gamot na mas mura para sa mga katoto niyang walang pera. “Buti kung ang lahat ng mga may sakit na tulad ko ay may anak sa abroad na handang tumulong” aniya sa isang presscon sa Hotel Rembrandt sa Quezon City kamakailan. Oo nga naman. Ang sakit sa puso ay hindi lang sa mayayaman dumarapo kundi maging sa mga mahihirap. Kaya yung mga walang kuwarta, parang naghihintay na lang ng kamatayan.

Nagpakalat umano ng memo ang multinational company na Pfizer sa mga botika tulad ng South Star Drugs, Watson, Rose Pharmacy at Amesco ng Davao na pumi­pigil sa pagbebenta ng mas murang gamot na Avamax na katapat ng produkto nitong Lipitor na mas mahal. Ang Avamax ay produkto ng sariling atin na Therapharma. May legal battle kasi ang dalawang kompanya dahil sa “patent” claim ng Pfizer. Nagbabanta umano ang Pfizer na kakasuhan ang sino mang botika na magbebenta ng ka-kompitensya nitong produkto.

Nangako naman ang Department of Health na gagawa ng karampatang imbestigasyon kaugnay nito.

Mayroon na tayong Cheaper Medicine Act pero tila hindi lubhang epektibo dahil sa ganitong mga gusot sa pagitan ng mga kompanya ng gamot. Sabi nga ni Zam­bales Rep. Mitos Magsay- say na kasapi ng House Com­mittee on Health, dapat ga­mitin ng DOH ang kapang­yarihan para resolbahin ang proble­mang ito. Tama.

Alalahanin ang milyun-milyong kababa­yan nating mahihirap na hindi makabili ng mahal na gamot.

vuukle comment

ANG AVAMAX

ASSOCIATION OF STROKE SURVIVORS

CHEAPER MEDICINE ACT

DEPARTMENT OF HEALTH

HOTEL REMBRANDT

HOUSE COM

MITOS MAGSAY

PFIZER

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with