^

PSN Opinyon

'Baby Doll'

- Tony Calvento -

(Huling Bahagi)

NUNG Biyernes naisulat ko kung ang dinanas na bangungot ng isang 15 anyos na ‘mentally challenge’ sa kamay ng mga “manyakis(?)” na namantala sa kanyang kahinaan at kalagayan.

Sumama si Trina sa kanyang pinsang si Mark ng ihatid siya sa simbahan ng kaibigan nitong si Cesar kung saan siya itinuloy nitong si Lemuel.

Natatakot din siyang ikwento ang kanyang pinagdaan sa kamay ni Lemuel baka hindi siya maintindihan ng mga ito at paluin siya ng kanyang lolo.

“Galit na galit sa akin si kuya Mark. Kung kani-kanino daw ako sumasama. Sabi niya umuwi na daw ako’t hinahanap na ko nila lolo. Lalo tuloy akong natakot umuwi sa amin,” wika ni Trina.

Sa hindi mabatid na dahilan dinala siya nito sa inuupahang kwarto nitong si Mark. Kusang loob sumama sa kanyang “pinsan” ang isip batang si Trina.

Bawal ang babae sa inuupahang kwarto ni Mark kaya pinuslit niya si Trina habang wala ang kanyang ‘land lady’.

Dalawang gabi siyang natulog sa kwarto ni Mark. Isang pag-amin ang pinahayag sa amin ni Trina.

“Pinaghahalikan ako ni kuya Mark sa labi at sa aking leeg habang nakahiga sa kanyang kama,” salaysay ni Trina.

Ayon kay Trina ng matunugan ni Mark na pabalik na sa ‘boarding house’ ang kanilang land lady ay pinauwi na siya ni Mark.

“Hinatid ako ni Mark sa San Joaquin at bumalik na lang kaya ako kila Cesar?’,” pahayag ni Trina.

Pagdating ni Trina sa bahay nila Cesar ay di na umano siya pinatuloy nito. Sinabihan siyang sa ibang kaibigan na lang siya manatili.

Nag-isip si Trina ng taong pwedeng puntahan. Tinawagan niya umano si “Beh”, kanyang kaibigan gamit ang cellphone ni Cesar.

“Sabi ni Beh, iyak daw ng iyak ang mama ko. Pinakalat na daw ang litrato ko dahil sa sobrang pag-aalala nila kaya’t uwi na raw ako.,” kwento ni Trina.

Hinatid umano ni Cesar si Trina isang kanto ang layo sa palengke kung saan nagtatrabaho si Beh.

Pinuntahan niya si Beh sa pwesto sa palengke. Pinilit siya nitong umuwi na sa kanila subalit takot ang bata kaya’t sa palengke muna siya nanatili.

Parang isang batang walang muwang, naabutan nalang siya ng kanyang lolong si Efren habang naglalaro sa kalsada...madungis at iba na ang suot na damit.

“Naglalaro ako nun, nagulat nalang ako ng bigla kong makita sila mama, kasama ang lolo at lola. Niyakap agad ako ni mama at tinanong ako kung saan ako nagpunta,” sabi ni Trina.

Maingat na tinanong ng kanyang mga magulang si Triuna kung ano ang mga nangyari sa kanya. Ikinwento ni Trina ang lahat ng kanyang pinagdaanan.

Sinama ni Efren si Trina at tinuro nito ang bahay na pinagdalhan sa kanya. Nakipag-ugnayan siya sa mga pulis ng Pasig at agad na pinadakip si Lemuel habang si Mark naman ay nakapagtago na umano sa probinsya.

Base sa medico legal examination na isinagawa kay Trina findings shown diagnostic of blunt penetrating injury nagpapatunay na positibong ginalaw ang kaawa-awang bata.

Sa ngayon nasa Prosecutor’s Office ng Pasig na ang kasong sinampa ng pamilya Palad. Nitong buwan ng Nobyembre, natanggap na nila Efren ang resolusyon ng kaso at malinaw na na-withdrawn ang kaso dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.

Hindi malaman ni Efren ang tamang hakbang para hindi mabalewala ang kasong rape na kanilang sinampa. Nagsadya siya sa aming tanggapan sa paniniwalang matutulungan namin siyang makuha ang hustisya sa nangyari sa kanyang apo.

Itinampok namin sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882khz (tuwing 3:00ng hapon) ang pinag­da­anan ni Trina.

ANG SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, isang napa­kalaking kuwestyon kung bakit na-withdrawn ang kaso ni Prose­cutor II Emmanuel L. Obungeñ sa kadahilanang di umano sapat ang mga ebidensyang magpapatunay sa panggagahasa ni Lemuel kay Trina? Malinaw na man na nagalaw si Trina base sa medico legal test na isinagawa ni Dr. Jericho Cordero ng Philippine National Police (PNP), Crime Laboratory. Hindi ba’t isa itong patunay na totoong nagahasa ang bata.

Unang beses mo palang kausapin si Trina ay mapapansin mong ‘mentally challenge’ ang bata. Putol-putol itong magsalita at ang kanyang mental-age ay sa isang sampung taong gulang lamang.   

Malinaw ang kwento ng bata kahit may kapansanan siya. Malinaw na sinalaysay niya ang mga nangyari sa kanya. Ang pagdala sa kanya umano ni Lemuel sa isang “motel” at sa bahay ng mga kaibigan nitong sina Cesar at Catherine. Hindi maaring magtagmi-tagmi ng kwento ang isang batang may kapansanan lalu na’t kahihiyan niya ang nakataya dito.

Sa kaso naman ni Mark, isang palaisipan sa amin kung bakit di mo nagawang ibalik si Trina sa kanilang bahay. Inuwi mo pa siya sa kwartong nirerentahan mo at tinago ng dalawang araw.

Matapos nun ay hindi mo pa rin siya inihatid sa kanilang bahay at ang ginawa mo ay naghugas kamay ka at ibinalik mo siya sa bahay nila Cesar. Matapos ang lahat umuwi ka sa probinsya ninyo. “Flight is ang indication of guilt” Ano ang tinatakbuhan mo Mark? 

NAKAUSAP namin si City Prosecutor Jack Ang ng Pasig at nilinaw nito na “for filing sa korte” ang kaso ni Trina na isinampa laban kay Lemuel.

Hiniling din namin kay Atty Alice Vidal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na tulungan si Trina para makasuhan ang mag-asawang Cesar at Catherine dahil malinaw na nakipagsabwatan sila kay Lemuel upang pagtakpan ang kasong panggagahasa sa isang batang may kapansanan.

Ipa-iimbestigahan din namin itong si Mark sa National Bureau of Investigation (NBI) upang malaman kung anong kahalayan ang ginawa niya sa bata yung dalawang araw na nanatili sa kanyang poder. Kasuhan kung meron itong kasalanan.

NAKAKAAWA ang sinapit ng isang kinse anyos na tulad ni Trina na may kapansanan na sa pag-iisip pinagsasamantalahan pa ng mga taong walang awa na parang hindi babae ang kanilang ina. Dapat lamang na kayo’y maparusahan at sa kulungan kayo magparaos ng inyong makamundong pagnanasa para wala na kayong mabiktima pang iba.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Para sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 0919­8972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City

Email: [email protected]

AKO

ISANG

KANYANG

LEMUEL

MARK

SIYA

TRINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with