Giyera vs gutom
ILANG buwan na lang ang administrasyong Arroyo at harinawang ang pinasimulang programa laban sa pagkagutom ay maituloy o kaya’y lalu pang mapagbuti ng susunod na administrasyon. Sa gawaing ito hindi lang gobyerno kundi pribadong sector tulad ng simbahan ang nagbabalikatan.
Sa panig ng pamahalaan, ang Department of Agriculture ay isa sa 29 ahensyang bumubuo sa Anti-Hunger Task Force. Naririyan at kabalikat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa panig ng simbahan.
Sa ngayon, ipinatutupad ng DA ang Goal 2 Program na lulutas sa limang target ng Agriculture and Fisheries Modernization Act (AFMA) – 1) Food Security, 2) Poverty Alleviation and Social Equity, 3) Income Enhancement and Profitability of Farmers, 4) Global Competitiveness and 5) Sustainability – sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop, dekalidad at murang wage goods.
Itinatag ng DA ang mga Barangay Bagsakan (BB) dating Barangay Food Terminal. Pinabibilis ng mga ito ang daloy ng produkto mula bukid at pangisdaan tungo sa mga mamimili. Magandang kasagutan ito sa problema ng mga magsasaka at mangingisda sa pagbebenta ng kanilang produkto. Ang BB ay mga barangay-based food depot at distribution system. Dahil wala nang middlemen, diyan makabibili ng sariwang agricultural at fishery products na mas mura kaysa mga pangkaraniwang pamilihan.
Mayroon nang 376 BB outlets sa buong bansa, para sa may 557,679 pamilya. Inaasahang magkakaroon pa ng 24 BB sa NCR at 300 sa ibang rehiyon bago matapos ang taong ito. Kahit na nagkakaroon ng problema sa mismanagement, sinasabihan agad ng DA ang mga operator na agad ireport ang anumang aberyang maaring kaharapin sa pagpapatakbo ng BB. Meron ding support staff ang DA na nagmo monitor kung sumusu-nod ang mga operator sa PhP10-PhP15 na bawas presyo ng mga tinda dito.
Ikinatuwa ni NNC Chair at Health Secretary Francisco T Duque III na siyang Lead ng Anti-Hunger Task Force ang balitang ito ng DA. Aniya, higit pang pag-iibayuhin ng DA ang kanilang target na karagdagang BB upang mas maipaabot ang mura at sariwang pagkain sa mas maraming mahihi -rap at nagugutom na mamama yang Pinoy.
- Latest
- Trending