^

PSN Opinyon

NAIA drug operations sunog!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

WALANG proper coordination ang drug bust operation sa NAIA Terminal 2 the other week kaya ang magandang accomplishment sana ng mga sacred este mali secret agent pala ay nauwi sa wala.

Sabi nga, nasunog ang drug operations ay nasunog!

Kaya naman katakut-takot na sisihan ang nangyari sa pagitan ng PDEA agents at mga Customs sa airport.

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng lumapag ang eroplano ng PAL flight 319 sa paliparan from Hong Kong at mag-positive na nakasakay si Joachin Kuhne ay nagsiikot na ang mga puwit ng mga huhuli dahil alam nilang bitbit nito ang may 2.5 kilos na pure cocaine.

Ang subject na si Kuhne ay isang German national kaya ng ma-identify ito ay bigla na lamang kinalawit ng Customs sa may arrival area at mag-posotibo na dala nito ang cocaine na inaabangan nila.

Nagulo ang operation dahil naghilahan ang PDEA at Customs kung kanino ang huli.

Ika nga, tug of war ang dating. Hehehe!

Nang kausapin ng mga ahente si Kuhne, nagpakilala itong isang Customs investigator sa Office of Frankfort, ng Department of Drugs of Germany kaya ang mga agent ay nagtaasan ang mga pilik mata este kilay pala.

Ang sabi ni Kuhne may darating na isang pasahero from Hong Kong na siya niyang aabutan ng cocaine para ma­laman niya kung sino ang drug contact sa Philippines my Philippines.

Ang siste, nabulilyaso ang operasyon kaya kalas isa-isa ang mga ahente.

Kaya lang hindi maniwala ang PDEA sa kuento ni Kuhne baka kasi ito ay isa lamang story telling a lie kaya kinompro nila ito mabuti at ipapa-verify ang tunay na katauhan sa kanyang office na sinasabi.

Maraming nanlatang ahente dahil magandang accomplishment sana ang drug operation at ang isa pa malaking pera ang reward na matatanggap nila kung saka-sakali.

Bakit ba pumalpak?

Alaws proper coordination dahil sa buong akala nila ay masisira ang kanilang pinagtsagaan dahil baka may patong sa sinasabing drug courier.

Moro-moro lang ba?

PASALAMAT tayo at nagkaroon daw ng magandang paguusap ang gobierno, big 3 oil companies, transportation associations para bigyan linaw ang pag-alis ng Executive Order ni Prez GMA na pumipigil para itaas ng mga gasolinahan ang kanilang oil prices.

Sa pagalis ng EO tiyak tataas ang lahat ng uri ng bilihin dahil parang jet na bubulusok ang halaga ng mga oil pro­duct.

Kidnaper ng 3 Tsino arestado

Bumagsak sa kamay ng pulisya ang itinuturing na du­mukot sa tatlong Chinese trader at isang Pinoy sa isinaga­wang operasyon sa bayan ng Maluso, Basilan kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kinilala ang nasakoteng suspek na si Muhajid  Nasirin na sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Basilan.

Ayon kay P/Senior Supt. Abubakar Tulawie, si Nasirin ay positibong kinilala ng mga testigo na kasama sa 30  armadong bandido na sumalakay at tumangay sa mga bihag na sina Jerry Tan, Michael Tan, Oscar Tan at ang kawani na si Mark Singson ng High Tech Plywood Co. sa Barangay Town Site noong Martes ng madaling-araw.

Kaugnay nito, natukoy naman ng mga awtoridad na ang grupo ng notoryus na si Abu Sayyaf Commander Furuji Indama ang sangkot sa pagdukot sa mga biktima.

Samantala, may mga ulat din  na ang mga biktima ay dinala ng mga suspek sa kagubatang sakop ng bayan ng Sumisip.

Kasalukuyan nang isinasailalim sa tactical interrogation ang suspek habang patuloy rin ang search and rescue operations sa mga bihag. Joy Cantos

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

ABU SAYYAF GROUP

ABUBAKAR TULAWIE

AYON

BARANGAY TOWN SITE

BASILAN

CAMP CRAME

HONG KONG

KUHNE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with