^

PSN Opinyon

Kasuhan. Kailan?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NAGLABAS na ng rekomendasyon ang Senate Blue Ribbon Committee sa anomalyang ZTE/NBN. Matapos ang higit dalawang taong imbistigasyon, nirekomenda ng komite na kasuhan ang lahat ng may kinalaman sa naturang anomalya, kasama ang mag-asawang Arroyo, sina Benjamin Abalos Sr. at Romulo Neri, mga tauhan ng DOTC tulad ni Leandro Mendoza, Elmer Soneja at Loren­zo Formoso, si Lito Atienza ng DENR, Deputy Executive Secretary Manuel Gaite, pati rin mga humarap para isi­walat ang nasabing kontrata katulad nila Joey de Venecia III at Jun Lozada. Sa madaling salita, lahat ng may kaugnayan sa ZTE/NBN. Dapat daw imbistigahan at kasuhan ng Ombudsman ang mga nasabing tao.

Pero natatandaan ninyo ang resulta naman ng im-bes­tigasyon ng Ombudsman ukol sa nasabing kontrata. Inabsuwelto nila ang mag-asawang Arroyo, pati sina De Venecia at tauhan ng DOTC. Hindi raw pwedeng kasu-han ang Presidente dahil immune siya sa prosekyusyon. Ano kaya ang gagawin ng Ombudsman ngayong reko­men­dado ng kasuhan ang mga inabsuwelto nila? Ano na ang mangyayari kay Lozada, na siyang nagsiwa­lat nang maraming detalye ukol sa ZTE/NBN? Hindi na nga naging normal ang kanyang buhay dahil sa ginawa niya, at ngayon kakasuhan pa! Hindi naman kasi siya isang Chavit Singson na nagpahayag na magpapa­ku­long din siya kung makukulong si President Estrada, pero nung nangyari na nga iyon ay umalyado na sa kasa­lu­ku­yang administrasyon, at malaya!

At gaano naman kaya katagal aabutin ang kasong ito? Baka tatlong administrasyon na nakalipas, wala pa ring mangyari sa mga may sala! Malalakas at mayaya-man ang mga taong ito, maliban na lang siguro kay Loza­da. Sa bansa natin, ang batas at hustisya ay nabibili ng pera at takot. Habang nasa poder ang mga iyan, o may kilalang nasa poder, walang mangyayari sa kasong iyan, lalo pa’t nandiyan pa ang kasangga nilang Merceditas Gutierrez! Maganda itong nasimulan ng Senado. Pero sino ang magtatapos? O baka ang mas mahalagang tanong, kailan ito matatapos at may makukulong na? Kung uupu­an lang ng Ombudsman, walang saysay ang ma­gandang balitang ito. Parang pinaasa lang ang mamamayan na magkakaroon na ng katarungan!

ANO

BENJAMIN ABALOS SR.

CHAVIT SINGSON

DE VENECIA

DEPUTY EXECUTIVE SECRETARY MANUEL GAITE

ELMER SONEJA

JUN LOZADA

LEANDRO MENDOZA

LITO ATIENZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with