^

PSN Opinyon

'Dok, masama ba ang masturbation?'

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

“Dok, araw-araw akong nagbabati (masturbation), masa­ma ba ito sa aking kalusugan?”

Ayon kay Dr. Eduardo Gatchalian, isang urologist, walang masama sa pagbabati. Wala namang peligro ito sa katawan at hindi rin ito matuturing na sexual perversion. Ngunit kailangan natin alalahanin na puwede magka­roon ng psychological na problema ang taong mahilig magbati. Sabi ni Dr. Gatchalian, baka puro pansarili na lang ang kanyang iniisip at hindi na makaunawa ng tunay na pagmamahal.

Para sa mahilig magbati, pinapayo ng doktor na ibaling na lang ang atensyon sa ibang bagay. Maglaro ng sports, magkaroon ng libangan, o maging masaya sa iyong trabaho. Lumayo din sa tukso tulad ng mga babasahin at palabas na malaswa.

‘‘Dok, may isang beses, dumugo ang ari ko pagka­ta­pos ko magbati. Ano pong nangyari? Tulungan mo ako.’’

Oo, puwedeng mangyari iyan. Ang masyadong ma­lakas na pagbabati ay puwedeng makasugat sa mga ugat ng ari. Malamang ay nasugatan ang iyong seminal vesicles, ang mga tubo sa bayag na nagdadala ng se­milya. Ngunit huwag mag-alala at gagaling din ito ng kusa. Ang payo ko ay huwag munang magbati ng ilang araw para maghilom ito.

‘‘Dok, gaano karaming semilya (semen) ang nor­­mal sa isang lalaki?’’

Ayon kay Dr. Gatchalian, 3 ml ng semilya o kalahating kutsarita ang normal na dami bawat paglabas (orgasm). Kung may kakaunti sa 1.5 ml ang lumalabas na semilya, hindi po ito normal at maaaring senyales ito ng pagka­baog. Magpatingin sa iyong urologist.

Isang paghahambing: Ang boar (baboy damo) ay kayang maglabas ng 500 ml na semilya. Halos 2 ba­song semen! O, hindi ba walang sinabi ang mga tao kumpara sa mga hayop?

vuukle comment

ANO

AYON

DOK

DR. EDUARDO GATCHALIAN

DR. GATCHALIAN

ISANG

LUMAYO

NGUNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with