KULANG ang P1 bilyon na pondo para sa kandidato. Para manalo ang kandidato, kailangang lumaspag ng daang bilyong piso. Kung talagang hangad ng kandidatong manguna kailangang magtapon siya nang katakut-talot na pera.
Kailangan nang kandidato na maipakilala ang sarili. Kailangan ang exposure. Kaya ngayong panahong ito ay mapapansin na laging makikita sa TV programs bilang mga tatakbo sa pagka-presidente, bise-presidente, senador, kongresista at mayor. Madali silang imbitahin sa TV shows. Ito naman ang kanilang hinihintay dahil nga magandang exposure. Malaking pagtitipid din sapagkat baka hindi sila nagbabayad bilang guests o baka sila pa ang binayaran ng talent fee.
Kabilang sa mga pulitiko na madalas maimbitahan sa mga TV shows ay si Noynoy Aquino. Malawak na ang exposure ni Noynoy sa TV. Nagsimula ito nang yumao ang kanyang ina na si President Cory Aquino. At mas lalo pa ngang lumawak at bumango ang pangalan niya sapagkat laging nababanggit ng kapatid na si Kris. Mahusay mag-endorso si Kris.
Global rin ang exposure ni Sen. Mar Roxas. Talagang sikat na sikat siya lalo na nang ikasal sa sikat na newscaster na si Korina Sanchez. Ikinasal sila sa Santo Domingo at kinober ng Channel 2.
At kung TV at print exposure ang pag-uusapan, hindi pahuhuli riyan si Sen. Manny Villar. Kaliwa’t kanan ang kanyang mga advertisement sa TV, radio at newspaper. Talagang todo ang cam- paign propaganda niya. Pati nga sa Wowoweee ni Willie Revil lame ay naggui-guest siya. Totoo nga kayang tatakbo si Willie?
Iba’t iba ang style ng propaganda ng mga pulitiko kung paano magpapakilala. May sariling tatak sina Vice Pres. Noli de Castro, Sec. Gilbert Teodoro, Sen. Chiz Escu dero, Sen. Loren Legarda. At si Erap ay ibang estilo ang ginawa.
Gumawa siya ng peli-kula. Totoo kayang milyon ang talent fee niya sa pelikula?