'Ang Tanging Pamilya', bagong pelikula ni Erap
AKO at ang aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay masayang-masaya sa bagong pelikula ni Presidente Erap na pinamagatang “Ang Tanging Pamilya”.
Napakaganda at nakatutuwa ang comedy film na ito ng Star Cinema na nagsisilbing comeback movie rin ni Erap pagkaraan nang mahigit 20 taon ng kanyang pagpahinga muna sa pelikula, at dito ay kasama niya ang kinikilalang comedy queen ng bansa ngayon na si Ai-ai delas Alas, gayundin sina Sam Milby, Toni Gonzaga at Mommy Dionesia Pacquiao.
Tiyak na click na naman sa publiko ang pelikulang ito, tulad ng iba pang mga ginawang pelikula ni Erap laluna ang kanyang mga action film at ang mga nauna niyang comedy films kasama naman sina Vilma Santos, Nora Aunor at Boots Anson-Roa.
Pero bukod sa pagbibigay ng katatawanan ay mara-mi ring magaganda at napapanahong mensahe ang pelikulang “Ang Tanging Pamilya”. Binibigyang-diin nito ang mga kabutihang asal, partikular ang paggagalangan, pagmamahalan at pag-uunawaan sa loob ng pamilyang Pilipino laluna sa pagitan ng mga magulang at mga anak.
Ang pelikula ay itinuturing na maagang Christmas treat ni Erap at ng Star Cinema para sa mga bata, teenager at hanggang sa mga senior citizen. Sina totoy, neneng, kuya, ate, nanay at tatay at lolo at lola ay tiyak na masisiyahan sa panonood nito.
Suportahan ang pelikulang “Ang Tanging Pamilya” at lahat ng mga pelikulang Pilipino.
- Latest
- Trending