Pautang sa mahihirap
MATAPOS ang serye ng mga kalamidad, mas maraming Pinoy ang nangangailangan ng tulong-pinansyal na dapat tugunin ng gobyerno. Kaugnay nito’y very relevant ngayon ang People’s Credit and Finance Corporation (PCFC). Ito ay isang financing institution na nagbibigay ng microfinance services sa mga mahihirap na ibig magpundar ng maliit na negosyo.
Isinali na ang institusyong ito sa programa ng administrasyon — ang Accelerated Hunger-Mitigation Program (AHMP). Tama lang dahil ang PCFC ay nagbibigay ng short, medium o long term loans sa pamamagitan ng mga accredited microfinance institutions.
Ayon kay National Nutrition Council Chair at Health Secretary Francisco T. Duque III, kung may negosyo ang mga mahihirap, lutas ang pagkagutom at diyan ay makatutulong ng malaki ang PCFC. Okay naman so far ang track record nito.
Mayroon nang 454 conduits ang PCFC sa buong bansa na namamahala sa pagpapautang sa maliliit na negosyante. Nakapagpahiram na sila ng PhP11,042,207 sa lahat ng rehiyon. Mayroon na rin silang 2,669,531 na aktibong kliyenteng naserbisyuhan sa pamamagitan ng MFIs. Makakautang ang isang sub-borrower mula PhP3,000 na unti-unting aangat sa PhP150,000. Para sa mga indibid-wal, maaari naman silang makahiram ng PhP10,000 hanggang PhP150,000, depende sa project requirements.
Ang PCFC ay nagpapautang sa mga programang tulad ng: a) Investment Loan, na magbibigay pondo sa mga livelihood project na mas magpapalaki sa kita ng mga kliyente gamit ang kahit anong microfinance lending methodology; b) Institutional Loan, para sa capability building activities at expenditures o asset acquisition na may kinalaman sa lending program; c) Micro-energy Loan facility, upang suporta han ang reporma at priority investments upang mas mapagbuti ang buhay sa rural area sa pa- mamagitan ng sapat, mura at matatag na energy services; d) Micro-Housing Loan facility, pag-asiste sa pagpapagawa ng tirahan ng mga kliyente; at e) MFI Employees Loan facility, na susuporta sa loan program ng MFI sa mga empleyado nito.
Ang sino mang inte-resado ay puwedeng direktang magtanong sa PCFC sa tanggapan nito sa 395 Sen. Gil Pu-yat Makati Cty o makipag-ugnay sa mga sumusunod na telepono: 897-8521, 752-3745 to 46, 897-5825
Fax Nos.: 897-8523, 897-8528
- Latest
- Trending