^

PSN Opinyon

Mga buwitre sa Mandaluyong

SAPOL - Jarius Bondoc -

KASUSULAT ko pa lang nu’ng Biyernes tungkol sa “private armies” sa Metro Manila, heto’t may umaapaw na complaints pala sa Mandaluyong. Binubusabos umano ng mga maton ng Sto. Niño Towing Co. ang mga motorista sa naturang matrapik na siyudad. Pinupuntirya nila hindi lang ang mga naka-illegal parking sa bawal na lugar, kundi pati sasakyang may driver at passenger sa loob. Mapahinto ka lang sandali ng kotse sa tabing-bangketa para magbaba ng pasahero, dumadagit agad na parang buwitre ang towing crew ng Sto. Niño. Ikinakadena ang sasakyan at kinakaladkad patungong Fabella Street sa gilid ng Boni Avenue. At doon hiningan ang motorista ng “ransom” na P2,000 para matubos ang sasakyan. Hindi na mabilang ang mga nabiktima.

Ilan sa mga huling biktima ay isang babae, kasama ang ate niya at batang pamangkin, nu’ng nakaraang linggo. Pinahinto ng nagmamadaling babae sa tsuper ang kotse sa tapat ng bahay ng nanay sa Boni Avenue, para iabot lang ang kaldero ng pagkain. Ang bilis na mga pangyayari. Biglang pinababa ng taga-Sto. Niño na Jessie Hernandez ang tsuper. Saka ito sumakay sa kotse at minaneho ito nang walang abi-abiso man lang kung saan patungo. Tinanong siya ng naiwang mag-ina sa kotse kung saan sila dadalhin, pero hindi sila sinasagot ng maton. Kaya akala ng mga babae ay holdap o kidnap ang gagawin sa kanila; nag-frantic tuloy ang ate at nag-iiyak ang batang anak. Namalayan na lang nila na sa yarda pala sila ng Sto. Niño dinala, kinandaduhan ng gate, at biglang hiningan ni Arturo Catindog at alalay na Allan Bucaso ng P2,000. Habang nagra-ransom sila, sunod-sunod pang may ipinapasok na mga sasakyan, karamihan ay si Hernandez din ang nag-tow o nagmaneho. Sa isang sasakyan na na-tow ay may buntis na nag­si­si­­sigaw at sinasaktan ng tiyan, dahil hindi siya pi­nayagan bu­ma­ba ng sa­­sakyan bago ito hila­hin.

Nang-abuso na dati ang towing companies sa Que­zon at Makati ci-ties, kaya sila napala­yas. Ngayon sa Man­da­lu­yong sila nagha­hari-harian.

vuukle comment

ALLAN BUCASO

ARTURO CATINDOG

BONI AVENUE

FABELLA STREET

JESSIE HERNANDEZ

METRO MANILA

SHY

STO

TOWING CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with