^

PSN Opinyon

Walang ipinagbabawal ang batas.

K KA LANG? - Korina Sanchez -

LAHAT na yata ng paraan para mailagay si President Arroy­o sa kapangyarihan ay naisip na ng kanyang mga ka­alyado. Dati, Charter change ang sinusulong. Noong naging maliwanag na ayaw ito ng tao, binago ang pama­maraan para mapalitan ang saligang batas. Humina rin ang pagsulong nito, kaya tatakbo na lang bilang kongre­sista si Arroyo sa 2010, para kapag napa­litan na ang Saligang Batas at nabago na ang uri ng pamahalaan sa bansa, pwede siyang iangat ng kanyang mga alipores sa Kongreso na maging Punong Ministro. Kaya ba panay ang pasyal sa Lubao, Pampanga, na ngayon tila may bagong gawang bahay na para sa kanya? Para ma­sabing taga-roon siya?

Ngayon naman, puwede raw siyang tumakbo bilang Vice President na ka-tandem ni Sec. Gilbert Teodoro na pam­bato ng Lakas-Kampi sa 2010! Bakit hindi na lang sila magsalita ng deretso na huwag nang magkaroon ng eleksyon, para si Arroyo na ang Presidente pangha­bam­buhay? Napakaraming paraan para manatili sa kapang­yarihan si Arroyo ang isinusulong. Mga walang humpay na usapin, haka-haka, kuro-kuro, kung ano ang gagawin niya sa 2010. Hindi ba dapat bumaba na lang siya, tapos!

Nagsasalita na nga ang kanyang abogado na si Atty. Romulo Macalintal, na walang ipinagbabawal ang batas na tumakbo siya para sa anumang posisyon maliban lamang sa pagka-presidente. Ano pa ba ang ibig sabihin niyan kundi may balak na nga! Dagdag pa na magiging magaling na vice president dahil sa kanyang malawak na karanasan, o kahit ano pang piliing posisyon para sa 2010. Sa pahayag pa lang na ito, baka isang linggong arti­kulo na ang masusulat ng mga manunulat at komentarista!

Wala bang kabusugan ang pagnanais ng kapang­yarihan? Na manatili sa gobyerno? Hindi ba diktador ang mga tinatawag diyan, na turo ng kasaysayan ay napapa­talsik din sa panahon? Ano ba naman yung bumaba na, siyam na taon din namang “nakapagsilbi” na. O ganun ba ang takot na babalikan siya ng lahat ng nakalaban niya noong siya’y nanungkulan bilang presidente ng Pilipinas? Na mananagot na siya para sa mga anomalya, iskandalo at ano pang mga naganap sa kanyang admi­nis­trasyon? Kung pinagsasabihan ng Palasyo ang mga kompanyang petrolyo na huwag takutin ang mama­mayan ukol sa presyo at suplay ng gasolina at krudo, huwag ding mang-inis ang Palasyo ukol sa mga puwe­deng gawin ni Arroyo, para manatili lamang sa ka­pangyarihan!

ANO

GILBERT TEODORO

PALASYO

PARA

PRESIDENT ARROY

PUNONG MINISTRO

ROMULO MACALINTAL

SALIGANG BATAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with