ISINUSULONG ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ang pagtatatag ng Center for Autism.
Pinansin ni Jinggoy ang ulat ni Dr. Alexis Reyes, pangulo ng Philippine Society for Developmental and Behavioral Pediatrics, na dumarami ang may ganitong kaso ng neuro-behavioral disorder sa buong mundo, at tinataya umanong may 500,000 Pilipino ang may autism pero halos dalawang porsiyento lang sa kanila ang nabibigyan ng tulong. Si Dr. Reyes ay speaker sa kauna-unahang International Autism Conference sa Asya na ilulunsad ng Autism Hearts Philippines sa Philippine International Convention Center sa Pebrero 3-5, 2010.
Ipinaliwanag ni Jinggoy sa kanyang Senate Bill Number 618 na ang autism ay nagsisimulang mapansin sa unang tatlong taong gulang ng bata. Ito aniya ay nakaaapekto sa maraming Pilipinong bata at pati rin matanda, at nagdudulot ito ng problema sa kanilang komunikasyon, pag-aaral at kilos sa lipunan.
Kulang ang “special schools for people, especially children, with special needs” dito sa ating bansa gayundin ang mga serbisyo ng “trained and equipped teachers and medical and health workers” para sa kanila. Ang mga special school na ito ay lubhang napakamahal. Ayon nga kay Dr. Reyes, ang initial diagnosis pa lang sa autism ay nagkakahalaga na ng P7,000, at ang gastos sa medical and educational needs ng may autism ay mahigit P110,000 sa unang taon pa lang.
Base sa panukala ni Jinggoy, ang itatatag na Center for Autism ay magbabalangkas at magpapatupad ng “integrated and comprehensive master plan on autism,” magtatayo at mag-o-operate ng diagnostic, therapeutic and rehabilitation clinics; magbi bigay ng vocational training programs sa autistic adults; maglalaan ng free diagno- sis and rehabilitation services sa indigent autistics; magti-train ng teachers, therapists, medical and health workers para sa autistics, at patataasin ang kamalayan at concern ng publiko sa usaping ito.