Ipaglaban ang murang gamot
MADALAS dahil sa exclusivity claim ng mga giant multinational drug firms sa ilang brand ng gamot, hindi makagawa ang ibang kompanya ng kahalintulad na gamot sa mas murang halaga. Dahil dito, ang nagdurusa ay ang mga mahihirap na can’t afford bilhin ang medisinang kailangang-kailangan nila. Sa ngayon, ang hypertension ay hindi lang sa mayayaman dumadapo kundi kahit sa mga mahihirap. Kaya maraming pobre ang namamatay sa karamdamang ito dahil walang pambili ng maintenance medicine.
May legal battle ngayon ang dalawang malalaking tagagawa ng gamot, ang Unilab at ang mas dambuhalang multinational na Pfizer. Ito ay dahil naglabas ng Avamax ang Unilab para ipantapat sa mas mahal na Lipitor ng Pfizer. Ang mga gamot na ito ay lunas sa high blood pressure. Kahit mayroon na tayong batas sa generic medicine, marami pa ring branded medicine ang walang katapat sa generic. Iyan ay dahil sa protectionist policy ng ibang dambuhalang korporasyon ng gamot.
Ang Avamax ay 30 porsyentong mas mura kaysa Lipitor at tiyak ko na welcome na welcome ito sa ating mga kababayan. Hinamon ng Unilab ang patent sa Lipitor ng Pfizer at nagharap ang una ng petition for cancellation of patent sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPO). Inakusahan ng Unilab ang Pfizer ng “evergreening” na ang ibig sabihin ay paglalagay ng konting pagbabago sa gamot para patagalin ang bisa ng patent nito. Alinsunod sa batas, may taning ang patent ng isang produktong gamot at matapos ito’y puwede nang mag-manufacture ng generic equivalent ang ibang kompanya.
Naghabla rin ang Pfizer laban sa Unilab dahil sa paglabag sa patent ng Lipitor nitong Oktubre. Nakatakdang magdaos ng hearing kaugnay nito ngayong Nobyembre at Disyembre.
In fairness, mabuti ang layunin ng Unilab dahil makatutulong sa mga mahihirap na pasyente. Ngunit may mga legal issues pang dapat bunuin kaugnay nito.
Sa kabila ng umano’y pagbabawal ng Pfizer sa mga par masya na ibenta ang Ava- max, naninindigan ang drugstore na Watson na patuloy na ibenta ito dahil nakatutulong ng malaki sa mga mahihirap. Sana’y ito rin ang panindigan ng ibang drugstores dahil ang kapakanan ng mga mahihirap na kapos sa pera para tugunan ang kanilang medical needs ang nakataya rito.
- Latest
- Trending