^

PSN Opinyon

Pagsabog ng Bulkan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NAGMISTULANG paraiso ang mga lansangan ng Metro Manila nitong nakaraang holiday weekend. Marami pa rin ang nagbakasyon o bumisita sa kanilang patay sa probinsiya. Dahil sa banta ng bagyo, kakaunti ang naki­pagsapalarang lumabas ng bahay. Ang resulta — walang trapik!

Sanay na ang mga motorista at namamasahe na su­ma­sabak sa trapik na mabulok ng matagal sa loob ng sasakyan. Sa kultura nating mga Pinoy, tanggap na ito bilang bahagi ng ating pang-araw-araw na realidad. Gigising na lang ng mas maaga, dadagdagan ang pasen­siya, titiisin ang usok.

Sinukat ng World Bank (WB) ang halaga ng nasasa­yang na oras ng empleyado at sa nagkakasakit sa po-lus­yon. Umabot ang estimate sa halos P95 billion kada taon o halos P277 million kada araw!

Sa ginawang pagsuri, ang sinisisi sa traffic congestion ng EDSA ay ang masamang pagplano ng mga kalye’t lansangan; ang pagdami ng mga sasakyan lalo na ng mga bus; at ang hindi maayos na pagpatupad ng mga traffic rules and regulations.

Ang EDSA ay ang kaisa-isang highway na tumutuhog sa kabuuan ng Metro Manila. Napakalaking tulong sa ating ekonomiya kung maiayos ang mga problema nito nang mabawasan ang mga higanteng gastusing nala­lagas gaya ng tinukoy ng WB. Ang pagpapabilis din ng daloy ng traffic ay magsisilbing mitsa upang mapagaang ang dalahin ng industriya at mga propesyon.

Ang isa pang side-effect nito ay ang mabawasan ang init ng ulo ng mga motoristang panay ang putok ng galit. Kung mapatunayan ang paratang ni TV personality Cheryl Cosim na mayroon ngang na­ nutok sa kanila ng baril dahil lang sa pakikipag­git­gitan ng sasakyan, pina­kahuli lang ito sa humaha­bang listahan ng alitan ng motorista. Ang Pinoy driver, gusto lang laging na­ka­ka­isa. At kulang sa disiplina. Pero noon ay hindi ito basa­gulero. Ewan ko lang at pa­rang unti-unti nang nagba­ba­go ang ugaling ito. Ang naiisip ko lang na sanhi ay ang ara­wang pagkulo nito sa traffic.

Kung nakatutok ngayon ang atensyon ng pamaha­laan sa mga solusyon sa kalami­dad, huwag sanang limutin ang problema ng traffic.

Hindi lang natin napa­pan­sin subalit maaring ang pag­sa­bog nitong “social vol­cano” ang siya pang ma­g­­dulot ng mas malaking dis­grasya sa lahat.

ANG PINOY

CHERYL COSIM

DAHIL

EWAN

GIGISING

LANG

METRO MANILA

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with