'Dok, paano magiging malakas sa sex?'

“Dok, paano ako lalakas sa sex?”

Ayon kay Dr. Rafael Castillo, presidente ng Philippine Society of Hypertension, ang alak at paninigarilyo ay puwedeng magdulot ng impotence o ang paglambot ng ari ng lalake.

Para sa inyong kaalaman, ang sigarilyo ay nagpapa­kipot ng ugat sa ari at binabawasan ang daloy ng dugo. Dahil dito, hindi na titigas si manoy. Masama din ang sobrang alak. May maling akala na nagpapalakas sa sex ang alak. Mali po ito. Masisira ang performance mo sa kama dahil sa alak.

Isa pa, kailangan din makontrol ang presyon ng dugo (blood pressure) at asukal sa dugo (blood sugar). Kapag ika’y may altapresyon o diabetes, puwedeng masira ang sex life mo sa loob ng 5 taon. Mag-ingat at magpagamot na agad.

Ang pagiging nerbiyoso at kulang sa pagtitiwala sa sarili ay nakakaapekto din sa sex. Lakasan ang loob. Isipin mong kaya mo, para makaya mo nga.

“Ano ang puwede kong inumin para lumakas sa sex?”

Sa mga may problema sa sex, simple lang ang sagot sa problema mo – ang Andros. Andros ang brand name at Sildenafil ang generic name ng gamot sa impotence. Uminom ng Andros 50 mg tablet, isang oras bago makipag-sex. Hanggang isang tableta lang ang puwedeng inumin sa isang araw. Ang Andros ay pinakamurang brand na nasa merkado (P200 bawat tableta). Ngunit kung ika’y may sakit sa puso, magpa-check muna sa doktor at baka hindi kayanin ng puso mo ang sobrang pagiging excited.

May isa akong pasyente, 72 years old na lalaki, na pini­pilit akong resetahan siya ng Andros. Gusto raw niya kasing makipag-sex sa isang 18 years old na dala­gita. Hi­rit pa niya, “Dok, pu­wede ba ako makipagtalik sa 18 years old?” Ang sabi ko ay sa ti­ngin ko ay kakaya­nin ng puso mo, pero hindi ko alam kung kaya ng konsen­siya ko na re­­setahan ka. Na­­aa­wa kasi ako sa misis mo!

“Bukod sa Andros, ano pa ang ibang gamutan ng im-potence?”

May iba pang paraan ang mga doktor para magamot ang impotence: (1) may tableta na inilalagay sa loob na ari, (2) ang paggamit ng vacuum (humihigop) na bote, (3) ang pag-injection ng ga­mot sa ari, at (4) ang pagla­gay ng penile implants, es­pes­yal na plastic tube na pi­napasok sa loob ng ari.

Ang operasyon ng penile implant ay nagka­ka­­halaga ng P150,000.

Para sa mga paraan na ito, mag­tanong sa inyong Uro­logist.

Show comments