Mababang remittance fees
KAPANSIN-PANSIN ang mga pagkilos ng gobyerno ni Mrs. Gloria Arroyo na nagpapadala lang ito sa uso. Ang ibig sabihin, hindi talaga natutugunan ng gobyerno kung ano ang talagang dapat gawin, at hindi ang pagkilos dahil lamang sa ito ay nasa uso ng panahon. Bilang halimbawa, pinipilit na ngayon ng gobyerno ni Mrs. Arroyo na babaan ng presyo ng langis, kahit obvious naman na ang gusto lang niya ay tumaas naman ang kanyang pogi points. Kung nagawa ito ni Arroyo sa langis, bakit hindi niya ito gawin sa presyo ng remittance fees para matulungan naman niya ang mga OFW?
Marahil naisip ni Arroyo na kung babaan niya ang presyo ng langis, mas maraming tao ang bibili ng gasolina kaya mas malaki ang kikitain ng gobyerno sa VAT. Kung ganoon nga, naisip na ba niya na kung babaan niya ang presyo ng remittance fees, maaaring magiging mas malaki pa ang ipapadala ng mga OFW? May panukala naman na maaring nanggaling din sa Palasyo na dapat ang Petron ang manguna sa pagbaba ng presyo ng langis, dahil may share pa raw ang gobyerno sa oil company na ito.
Maganda man ang layunin ng panukala, hindi ba nila naisip na may investment din ang private companies sa Petron? Dapat magdahan-dahan ang gobyerno sa mga panukala na maaaring ikahihina ng mga negosyo ng mga investors. Sa totoo lang, it is harder to keep existing jobs than to create them. Umalis na nga sa Pilipinas ang mga malaking employer katulad ng FedEx at Intel, gusto ba ni Arroyo na umalis pa ang mas marami pang mga em- ployer? Baka wala siyang pakialam kung mangyari man ito, basta tumaas lang ang kanyang pogi points.
Ang mga OFW ay umaalis sa Pilipinas hindi dahil sa uso ito, kundi dahil ito lang ang paraan upang mabuhay sila at umasenso ang kanilang pamilya. Dapat lang na hindi dinadaan sa uso ang pagkalinga sa kanila. Dapat tugunan ang kani lang mga pangangailangan sa lahat ng panahon, at hindi lamang kung may pumutok na isyu na may kinalaman sa kanila. Kung naisip sana ng gobyerno ni Arroyo, ang pagbaba ng presyo ng remittance fees ay magbibigay din ng tulong sa mga pamilya ng OFW na lumaki naman ang kanilang tinatanggap na pera kahit kaunti man lamang. Kung mangyayari ito, lalaki din ang kanilang spending power at mas malaking pera ang babalik sa ekonomiya, na maaring magiging dahilan naman na mabu- hay ang negosyo ng mga investors, na maaari namang magbukas ng mga bagong trabaho.
- Latest
- Trending