Saluduhan ang NBI
NAGKAPALITAN ng putok ang Philippine National Police-Intelligence Group, National Bureau of Investigation (NBI) at Alvin Flores Group (AFG) nang magkrus ang landas ng mga ito sa isang exclusive resort sa Estaca Town, Compostela Valley, kamakalawa. Kung nagkataon na sa Metro Manila nagpang-abot ang grupo tiyak na pupulbusin sila nang pinumpino ni Gen. Roberto Rosales. Abot-langit ang galit ni Rosales sa grupo ni Flores dahil sa paggamit ng uniporme ng pulis kaya nagpakalat ng sangkaterbang pulis para mabura ang grupo ni Flores.
Dahil exclusive ang lugar ng enkuwentro, malayang nagpakawala ng bala ang bawat grupo. Mang mawala ang usok, apat na bangkay na tadtad ng bala ng nalantad. Ang isa ay kinilalang si Alvin Flores. Bagamat ilan lamang sa grupo ang napatay, nag-bunyi naman ang PNP dahil naka-iskor sila. Hindi na kasi makatulog ang PNP sa kahihiyang sinapit sa kamay ng grupo ni Flores. Lagi silang nalulusutan gamit ang uniporme ng pulis. Ang huli nilang sinalakay ay ang Rolex Watch store sa Greenbelt 5, Makati City. Isa ang napatay sa mga suspek.
Nasundan ng PNP at NBI ang grupo sa Cebu. Ayon sa nakausap ko, natukoy ang grupo ni Flores nang makita ang ilang myembro nito habang namimili ng gamit sa isang mall sa Cebu kaya hindi na nila nilubayan hanggang matumbok ang inuupahang bahay sa resort. Agad na nagsanib ang NBI at PNP intelligence group upang i-serve ang warrant of arrest subalit sinalubong sila nang umaatikabong putok mula sa grupo ni Flores. Nagpalitan na ng putok. Umabot ng 15 minuto ang barilan. Tigok ang apat at arestado ang isa. Isa naman ang nakatakas.
Nagpapasalamat ng sambayanan kay NBI director Nestor Mantaring. Hindi lamang pala mga pasugalan at putahan ang kayang sawatain ng kanyang mga tauhan kundi mga kriminal din. Inalpasan ni Mantaring ang kanyang mga tauhang nagpapalaki ng tiyan sa Maynila para tumulong sa grupo ni NBI Regional Director Menardo de Lemos sa Cebu. Sa isang iglap, gumanda ang imahe ng NBI. Kung noon pa pinakawalan ni Mantaring ang kanyang mga tauhan, hindi na sana dumami ang lahi ni Alvin Flores.
Congratulation director Eugene Martin for the job will done. Iyan ang personal kung paabot sa matagumpay ninyong operasyon. Pero h’wag kayong lulubay at baka makabuo muli ng grupo ang mga nalalabing myembro ni Flores.
- Latest
- Trending